Bakit da best ang duty sa gabi?

Dati nung baguhan pa akong nurse ayoko ng night duty. Natutulog lang kasi ako pagkatapos ko magbigay ng medication at mag-charting, unless may mag-arrest. Nakakapagod ang night duty. Hindi ka oriented sa time. Feeling ko laging Sabado or Linggo pagkagising ko. Pag-uwi ko ng bahay, kakain ng breakfast, maliligo tapos matutulog hanggang alas dos ng hapon. Tapos gigising ulit para kumain ng lunch. Manonood konti ng Wowowee at matutulog ulitsabay gising ng alas otso para magluto ng ulam, maligo at maghanda para sa duty ulit. Pero ngayon gustong-gusto ko na ang night duty sa PICU.  Kung dati pagkauwi ko tulog agad, ngayon dahil sanay na ako sa duty (at hindi na ako natutulog.:p) may time pa akong manood ng morning news, makining kay Chico at Delamar sa RX93.1, magbasa ng blogs, tumingin ng bagong gadgets at damit sa Multiply at higit sa lahat maglaro ng Restaurant City at PetSociety sa Facebook. Kung morning ako hindi ko magagawa lahat yan dahil wala naman news sa hapon pag-uwi ko after morning duty. Wala naman si Chico at Delamar na mapapakinggan ko kundi ang paulit-ulit na mp3 lang sa album ni Ne-yo, Katy Perry or Boyce Avenue. Mas konti ang oras ko para magbasa ng blogs at maglaro sa Facebook kasi matutulog ako agad, gigising ng 6pm at kailangan matulog ulit ng before 10pm para makagising ng maaga kinabukasan. Kaya the best pa rin ang night duty. Compared sa afternoon duty, mas gusto ko pa rin ang night. Kasi pag afternoon duty naman ako, tulog agad sa gabi tapos late ng gising sa umaga/tanghali. Pag afternoon duty nakakatakot umuwi kasi gabi na. Although, malapit lang ang bahay ko sa ospital na pinapasukan ko, iba pa rin ang safety kapag litaw ang araw. Kaya the best pa rin ang night duty.

Eto ang mga ilan pang dahilan kung bakit the best ang night duty.

1. Walang supervisor na magbabantay o di kaya dadalaw sa unit, in short magagawa mo lahat ng gusto mo.

2. Walang consultant na magra-rounds at magagalit kung bakit hindi ka nag-suction dahil nakita niyang naglalaway ang pasyente.

3. Walang pasyenteng mangungulit sa ‘yo dahil tulog sila.

4. Hindi mo kailangang magpusod ng buhok dahil nga walang supervisor.hehe

5. Pwede kang magsuot ng Chuck Taylor pagpasok at hind ka sisitahin ng guard kahit kulay pink pa yan dahil hindi na niya mapapansin yun.

6. Mas malamig ang PICU kapag gabi lalo na kapag umuulan.

7. Pwede kumain sa nurse station ng junk foods.

8. Tulog ang mga doctor kapag hindi toxic (masaya to lalo na pag hate mo ang residenteng kasama mo!)

9. Pwede magbreak kahit gaano katagal (yun eh kung sobrang epal ka lang.)

10. Magagawa mo ang lahat ng nursing procedure na gusto mo. Kapag morning or afternoon duty ka kasi marami kang kaagaw na nurse. Kapag night dalawa or tatlo lang kau, so mas na-improve ang skills mo.

Bakit masaya ang night duty? Ayon kay Ma’am Jo dahil nasosolo niya si Doc Pete. Pwede ka tumitig kahit nalulusaw na si Doc.hahaha (Apir! Panalo si Ma’am Jo.lol)