Hindi naman sa ayaw ko siya

Hindi naman sa ayaw ko siya. Gusto ko lang matapos ang thesis ni Ching.:)

Hindi naman sa ayaw ko kay Noynoy. Para sa akin, hilaw pa siya bilang isang pulitiko. Marami pa siyang kailangang patunayan sa Pilipinas maliban sa pagiging anak ni Ninoy at Cory. Oo, sabihin na nating mabait, may paninindigan, mahal niya ang Pilipinas pero para sa akin kulang pa rin. Ano na ba ang naipasa niyang batas? Ano na ba ang nagawa niya para sa Pilipinas? Sige para mas madali ano ba ang nagawa niya para sa Tarlac? Hindi ko alam. Wala? or kulang lang sa publicity? Hilaw pa si Noynoy. Tingin ko lang hinihikayat siya ng L party para tumakbo dahil sure ang panalo niya. Oo, given na. Aquino eh, mananalo yan! Anak ba naman ng mga bayani di ba? Pero hindi ba niya naisip na maaring ginagamit lang siya ngayon ng mga pulitikong walang ibang iniisip kundi kapakanan nila? Hindi ba niya naisip na maaring hindi pa siya handa sa pagiging presidente? Marami siyang kailangang isaalang-alang…kasama na si Josh. (hehe)

Sana makatulong ang retreat niya. Sana. Let’s pray for him.

Tulad ni Noynoy…tingin ko hilaw pa rin si Escudero. Eh si Pacman kaya tatakbo rin bilang presidente? Si Gloria na lang kaya ulit? Or so Erap di ba 99.9% sure na siya? Hay….pulitika nga naman….