Nurses’ Notes:Anim na buwan na walang sweldo

Kahapon nagtext sa akin si Irish kung mag-eexam ba ako sa AFP Medical Center ngayon. Ang sagot ko lang, “Tignan ko.” At kapag ganun ang reply ko sa text malamang tinatamad akong magpunta sa exam. Kailangan ko ng trabaho, OO. Pero kailangan ko rin ng trabahong may sweldo or kahit food allowance lang masaya na ako.

Hindi ko sigurado ang patakaran sa AFP pero narinig ko sa mga kasamahan ko dati na libre ang six months training hindi tulad sa ibang hospital. Ok na yun, kaysa naman magbabayad kami ng isa, tatlo o limang libo para lang sa training or in another words volunteer work. Pero kagabi hindi ako mapakali…Alas kwatro na nga yata ako nakatulog (kaya hindi ako nagising para sa 8am exam) sa kakaisip kung anu ba talaga ang gusto kong gawin. Una, kung magtraining ulit na walang sweldo or Pangalawa, maghintay ng tawag sa ibapang hospital na pinagpasahan ng resume (weh, parang andami ng hospital na yun.haha) Isipin mo, kung yung una ang pinili ko…

1. Anim na buwan na naman akong walang sweldo.

2. Anim na buwan na maghihirap na wala man lang kapalit. (Sabihin na nating ok na ang THANK YOU mula sa pasyente pero iba pa rin kapag nakakatanggap ka ng pera buwan buwan dahil may pinaghirapan ka.)

3. Anim na buwan na namang hindi istambay pero minsan hindi naman considered na experience and pagiging volunteer so parang naging tambay ka pa rin. (hay…:()

Kung pangalawa naman yung pinili ko…

1. Ang unang tanong…TATAWAGAN BA AKO?

2. Kung tatawagan man ako at ma-hire, swerte ko.

3. Kung ma-hire man ako, sa susunod na buwan hindi sayang ang paggising ko ng maaga, pagsakay ng jeep sabay langhap sa maitim na usok, pagkain sa karinderya, pakikinig sa demand ng mga doktor at pasyente, pagcha-chart, pag-compute ng gamot at IV, at kung anu-anu pa. Kung ma-hire man ako pagkatapos ng isang buwan na pagtitiis makakatikim na ako ng SWELDO. Ang sarap naman ng feeling nun!

At dahil sa number two ang pinili ko…maghihintay muna ako. Sana tawagan ako. Sana ma-hire ako. Ang hirap ng walang sweldo eh. Naawa na ako sa tatay ko, makakalbo na wala pa rin akong sweldo kahit pangbayad lang sana sa internet at kuryente.