The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 2:LOVE not WAR)

Thoughts on yesterdays wish: Kagabi bago ako matulog (mga inabot ako ng apat na oras sa kama bago ako makatulog…salamat sa siesta!) iniisip kung tama ba na world peace ang una sa wish list ko. Oh well…siguro dahil napapanahon naman dahil nga sa nangyari sa Maguindanao. Grabe pala talaga ang nangyari. Kanina ko lang din na-realize na sobrang brutal yung pagpatay sa kanila after looking for videos about the massacre and read some of the viewer comments in youtube. Hindi ko narinig sa news yung pag-describe ni Vice Mayor Mangudadatu sa pagpatay sa asawa niya. Kanina ko lang din nalaman na ganun ang ginawa sa mga kawawang biktima. Ngayon, tama lang na world peace ang mauna. The link below is how Mangundadatu described the brutal murder.

LINK: http://www.youtube.com/watch?v=dFtuM18Gb3Q

Kasama ng world peace, siguro kailangan rin natin ng LOVE NOT WAR. Kasi hindi naman siguro magkakaroon ng digmaan (in any form) kung lahat tayo nagmamahalan. Hindi rin siguro aabot sa brutal na pagpatay ang naranasan ng mga biktima sa Maguindanao massacre kung naisip lang ng mga mastermind, accomplices at iba pang kasangkot sa krimen na pwede namang idaan sa mapayapang usapan ang lahat ng bagay. Sana naisip nilang magmahalan na lang kesa naman mag-ubusan sila ng lahi para lang sa kapangyarihan.

 

I guess the video above tells it all. Where is the love? Sana makita natin yun and start sharing it para everybody happy. Let us practice what we preach.:)

Hay…so Maguindanao massacre na lang ba ang example?? Marami pa…tulad na lang ng pagmamahalan ni Jason at Melai sa PBB. (NAks!) I mean, siguro they are one of the best couples sa kahit anong season ng PBB because they love each other just the way they are.:)

let the loving begin NOW NA!

Kaya naman….LET THE LOVING BEGIN.:)