The 30 day Project: My Grown Up Christmas List (Day 6:Take Action)

1. World Peace

2. Love not War

3. Receive and Give

4. Take some rest

5. Service

Yan ang first five sa Christmas wishlist ko. Habang tinititigan ko ngayon sa harap ng laptop parang ang hirap gawin. Tingin mo? Lagi namang mahirap kapag gagawin mo na. Madali lang naman maglista, marami pa nga akong naiisip ngayon eh pero isa siguro sa mga dahilan kaya hindi tayo umaasenso bilang isang bansa at bilang isang tao ay dahil madalas tayong mangarap pero hindi tayo gumagawa ng paran para matupad ang pagkadami-daming pangarap na nasa listahan natin.

TAKE ACTION! Yan ang number 6!

Kanina habang nanonood ako ng TV napansin kong halos lahat ng senador, cabinet member, artista ay gustong kumandidato sa dararing na eleksiyon. Ang haba ng listahan….mas mahaba pa sa wishlist ko, tae!

TAKE ACTION POLITICIANS! TAKE ACTION VOTERS!

Mar Roxas

Noynoy Aquino

Manny Villar

Loren Legarda

Bayani Fernando

Gibo Teodoro

Edu Manzano

Erap Estrada

Dick Gordon

Jejomar Binay

Gloria Arroyo

Jamby Madrigal

Bong Revilla

Lani Mercado

Ralph Recto

Vilma Santos

Bong Bong Marcos

Herbert Bautista

Imee Marcos

Fred Lim

Manny Pacquiao

Tado

Angelica Jones

Name it, we have it!!!

errrrr

Inaantay ko nga si Annabelle Rama, Pokwang, Willie Revillame, Pooh, Vice Ganda at higit sa lahat si Santino!!! Naku po panu kami makakapili niyan? Parang multiple choice. Ang choices A-Z. Panalo talaga ang mga Pilipino, gusto na lang maglingkod sa corrupt na sistema ng pulitika pa. Tsktsk… Sino kaya sa kanila ang pipiliin ko para lang magkaroon ng pagbabago ang corrupt na gobyerno ng Pilipinas? Ang showbiz!haha

twitter status ni mar at ang opinyon ko.:)

TAKE ACTION! NOW NA! Malayo pa ang eleksyon, marami pang mangyayari. Sa ngayon mahirap pa pumili. Lahat sila nagpapabango pa ng pangalan. Lahat sila maraming proyektong nagawa. Lahat sila may pinagawang daan, paaralan, ospital, nagpasa ng bill para sa murang gamot, may nabigyan ng trabaho, ng lupa, ng pera pang negosyo, ng itik at kung anu-ano pa. Lahat sila gustong makuha ang boto natin. Lahat sila gustong manalo. Lagi na lang sila! Sila na lang kaya lahat? Malayo pa nga ang eleksyon. Maraming baho pa ang lalabas. Maraming kabulukan pa ang malalaman. Let’s take our time and when the time is right LET’S TAKE ACTION and make sure its the RIGHT action!