The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 7:Believe that dreams come true everyday because they do)

Noong December 1 nag-attend kami ni Chester ng seminar. Tinawag iyon na, “Migration of Options for Nurses to Canada”. Hindi namin alam basically kung anu yun, pero dahil naroon ang word the migration at Canada eh pinuntahan namin. Parang hindi naman masyadong halata na gusto na namin lumayas sa Pinas.hehe Pagdating namin sa Sapphire Ballroom ng Gateway Mandarin Suites, late kami, mahaba na ang pila. Akala ko mapupuno yung venue kasi sa text na nareceive ko 200 ang invited and by the way free naman yung seminar. Yung mga tinext namin na friends namin hindi nakapunta kasi may duty pa, yung isa may sakit at yung isa eh nasa Poker Place yata ng Facebook.;p Pero gayon pa man tumuloy rin kami ni Chester, nag paregister at nakinig.

boarding pass.:)

Maganda yung offer kung tutuusin. 75k na professional fee, one year or less paid or volunteer work experience, 9 months to wait for an immigrant visa in Canada. Nabuhayan ako ng loob. Gusto ko na umalis sa mga oras na yun papuntang Canada para matulog sa snow! Alam mo yung feeling na nabigyan ka ng pag-asa na mas gaganda yung buhay mo. At eto pa, within 7 days meron kang discounted price, 65k na lang ang professional fee yung mag-aaply ka within 7 days. Attractive ang offer, kung may 75k ako sa araw na yun, apply na ako. Kung may 1 year work experience na ako sa araw na yun, apply na ako. Pero dahil wala ako…di pa ako nag-apply pero nag-sign up pa rin ako dun sa discounted price nila baka lang makalusot ang 8 months training ko sa PICU. Hay…Libre lang mangarap sabi nga nila.

Di pa ako nakakarating ng bahay nagtext na ako kay mama na maghanda na ng pera. Ganun ako ka-excited. Sabi naman niya, pag-isipan ko muna baka naman fake na agency raw at magsearch daw ako sa POEA. Naloka ako, ok na yung adrenalin ko eh, parang nawalan ulit ako ng pag-asa. Nung gabi ring yon, nag-pray ako kay Bro, sabi ko “Lord, bigyan mo ako ng sign. Lead me sa tamang daan. I-guide niyo po ako sa paraan na mas makakatulong ako sa kapwa ko.” Yung lang ang dasal ko, hindi ko sinabing “Lord I wanna go to Canada, NOW NA!” Basta sabi ko bahala kung saan ako mas kailangan….Dumating ang December 2. Birthday ng mama ko, sabay tawag sa akin. Kwento ko naman sa kanya yung benefits ng immigrant visa, pros at cons, sa huli sabi niya ipapaalam daw niya sa tatay ko. Nabuhayan ulit ako! At least pag si Daddy kasi sinabihan ko sa mga bagay na ganyan, papayag agad yun. Si mama kasi masyadong pessimistic. Makalipas ang ilang oras, nagtext ulit ang nanay ko “I-try mo daw sabi ng daddy mo.” GO! YUN UN EH! Pray ulit ako kay Bro, bahala ka na po Lord sa risk na tatahakin ko.

December 3. Balak ko talagang tawagan ang agency ngayon para tanungin kung okay ba ang qualifications ko. Pagkauwi ko ng bahay galing sa ospital, nag-internet ako sandali. May nakita akong website ng Pinoy Care pero ang office sa Cebu. (May mga nakita akong negative comments, kayo na ang bahalang humusga.) Sa labas, tinatawag ako ni Tita. Phone daw! Sabay punta sa kabilang bahay at sagot ng phone, sakto! Si Ma’am Emma ng Pinoy Care. Tinanong niya kung ano ba ang balak ko, sabi ko may 8 months akone experience pero training lang. Sabi niya, ok na yun, sabay tanong kung nasa akin na yung mga certificate, sabi ko wala pa po. Napaisip ako, certificate of training pala yung nakalagay sa mga certificate ko! Sinabi ko yun sa ahente…Sabi niya dapat raw employment. Kaloka! Hindi ako qualified!!! Goodbye Canada! Back to the real world!

Napag-isip isip ko siguro nga hindi pa ako kailangan sa Canada, mas kailangan ako sa Pilipinas. Hindi naman masama ang loob ko sa totoo lang. Magaan pa rin ang feeling ko, dahil siguro hindi ko hiniling kay Lord na gusto ko na agad pumunta, ang hiniling ko, kung saan ako mas kailangan doon mo po ako dalhin. Sakto! Siguro mas kailangan pa ako ng Pilipinas.

Libre lang mangarap. Lahat naman siguro tayo mas nanaising guminhawa ang buhay. Gusto natin ng sariling bahay, kotse, pagkain araw-araw, dekalidad na edukasyon, etc. Kailangan natin mangarap para may patutunguhan ang buhay natin. Parang vision mo yun eh sa future mo eh. Nasa sa ‘yo na lang kung gusto mong tuparin yun or hanggang pangarap ka na lang. Ang isa sa mga natutunan ko sa KCon ay ang “practical dreams” (house and lot, kotse, food,etc) at ang “relationship dreams”. Karamihan sa atin hanggang practical dreams lang. Nalilimutan nating mangarap para sa iba. Ang relationship dreams ay yung mga pangarap para sa ibang tao, sa mundo, sa bansa. Isang halimbawa ng relationship dream ay negosyo para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya pero maliban dun ay nakakatulong ka sa ibang tao para magkaroon sila ng trabaho.Marami pang iba,tulad ng pagbabago para sa bayan kaya iboboto ko ang mga nararapat sa pwesto. O pwede rin ang pagtatanim ng puno para sa kalikasan. Marami at kung gusto natin matutupad natin lahat yun.

Libre lang mangarap, dati nga pangarap kong maging pasyente si Wentworth Miller aka Michael Scofield tapos dapat mainlab siya sa akin. Hahaha. Nakakatuwa pero pangarap ko yun…dati..kasi nalaman ko hindi kami talo, lalaki pala ang gusto niya.

Libre lang mangarap, nasa atin na yun kung gusto natin matupad ang pangarap na yun. DREAM ON! MANGARAP KA! Kaya ngayon, dahil hindi pa ako qualified sa Canada, nag-iisip na naman ako ng bagong raket. Balik loob sa internet marketing. Salamat kay Bo Sanchez at Jomar Hilario sa inspirasyon.

Ang video na ‘to na siguro ang isa sa mga pinaka-inspiring na scene mula sa One Tree Hill. BELIEVE THAT DREAMS COME TRUE EVERYDAY BECAUSE THEY DO.