The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 8:Commit to something fruitful)

Dalawa ang posts ko today. Kasi kahapon hindi ako nakapag-post ulit dahil nagbantay ako sa hospital. I just try to make up. Ang hirap pala ng mga ganitong commitment.

In the first place bakit nga ba ako gumawa ng 30 day project na to, pwede naman ng 1 week or 15 days lang.haha Matagal ko ng gustong gawin to. Challenge lang sa sarili ko. Simula ng matutunan kong magcomputer nagkaroon na ako ng mahigit limang blog. Livejournal, Blogger, Multiply, Facebook. Sa Livejournal at Blogger dalawa accounts ko dun. San ka pa? Pero lahat yun hindi updated dahil nalimutan ko na ang mga password. Although pwede ko naman i-retrieve anytime, parang ayoko rin ituloy. Nung nauso ang Multiply, dami ko rin posts dun. Hindi ko na rin masyado ma-update kasi nga busy ako sa pagtatanim, pagluluto at pag-aani sa Facebook.haha Kaya ako gumawa ng commitment and I called it my 30 day Project. Pero ngayon pa lang, nahihirapan na ako mag-commit. Ang kagandahan lang, nakakatuwa kapag may views ka.:) Salamat sa mga nagtitiyagang magbasa!haha Kahit dalawa or sampu lang masaya na ako.hihi

Simula nung bata ako gusto ko na talaga magsulat. Siguro kung hindi pangarap ng nanay ko na maging doctor ako, natuloy ako ng journalism. Pero minsan gusto ko pa rin maging doctor.haha Ang dami kong gusto noh? Anyway, nung highschool ako dalawang course lang ang choice ko. Journalism/Literature or Interior Design. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa Nursing at kung paano ako naging nurse. Siguro balang araw magkwento rin ako tungkol dun.

Hindi lahat kami nangarap maging nurse, pero RN na kami at masaya kami kahit walang trabaho.

Nagtaka rin kayo kung bakit Interior Design? Magaling ako mag-sketch dati, promise! Pero other than that mahilig ako sa art. Mahilig rin ako sa Photography. Siguro next year kapag may DSLR na ako gagawa rin ako ng another 30 day project pero photoblog naman.:) Ang dami kong project noh?

photography is love

Balik tayo sa pagsusulat, para sa akin therapy ang magsulat sa papel man or sa computer. May kakaibang feeling kasi ang nabibigay ng pagsusulat, kahit ikaw lang ang nagbabasa. Sa pagsusulat ko kasi nasasabi yung mga bagay na gusto kong sabihin pero mahirap sabihin ng harapan or in a loud voice. Siguro maliban sa pagiging nurse, art and literature talaga ang hilig ko. Or pwede kong sabihing first love ko ang art at literature. At kung meron man akong gustong gawin all my life or something I can really contribute to society other than taking care of people, I would love to impart to them my ideas thru art and literature.

Hanggang ngayon nangangarap pa rin ang paslit na ito.:)

Marami akong pangarap. Marami akong gustong gawin, hindi lang para sa sarili ko, para rin sa marami pang ibang tao. Ito na iyon, ang magsulat. Kaya ko ginawa ang 30 day project, sana may ma-inspire din ang ibang tao dito. Just to share my ideas, ramblings, suggestions, recommendations, etc. Iba kasi yung epekto sa isang tao kung may nababasa siya. I am commiting myself to something fruitful thru this 30 day project. Sana nga magkaroon ng fruits.hehe

Advertisements