The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 9:Inspire someone)

October 2008 when I started working as a nurse trainee in one of the government hospitals in Quezon City. It was the first time I met Dr. Peter Markus de Jesus. Doc Pete as he is popularly known is a pediatric resident. He doesn’t know me personally nor do I know him. He may be familiar with my face but I for one is familiar with his face, not even his name at that time. I reason I will always remember Doc Pete is not because he’s handsome. Believe me, he is but nevertheless I remembered him because he was arrogant. He was like Hugh Laurie in the medical drama House.

It was a toxic morning duty. Everyone was busy with their charts and me and my co-trainees are looking for chairs to write on. We have more than 100 patients a day and we have an hour to complete our charts before preparing and giving medications at 8am. Abby found an empty bed near the doctors table and so we took our chairs and started charting.

hindi naman talaga table ang bed kaya bawal mag-chart diyan...kahit mga doc bawal din diyan.hehe

….Tagalog na…naubusan ako ng English!…

Doc Pete: San magcha-chart ang mga residents ko? (Sobrang taas ng boses! Sobrang arrogante ang dating.)

Tinginan kami sa likod sabay hakot ng mga charts. Dahil bawal kami mag-chart sa nurses’ station dahil wala ng space dun, naghanap ulit kami ng place, bahala na kung saan, matapos lang ang charting namin. Hindi ko alam na siya si Doc Pete or kung sino man siya pero kilala ko ang mukhang yun. Unang impression ko, mayabang tong doctor na ‘to. Akala ko rin dati consultant na siya kaya ganun siya umasta, pero hindi pala, third year pa lang siya nun.

Hindi ko siya makalimutan…Yung aroganteng mukhang yun! Kahit isang beses lang ang ganung encounter ko sa kanya hindi ko talaga siya makakalimutan dahil sa nangyaring yun.

Doc Pete aka St. Peter.:)

April 2009 ng magkaroon ulit ako ng pagkakataon na makasama siya pero sa PICU naman. Hindi ko alam kung bakit pero masama pa rin ang loob ko sa kanya. Sabi ko nga, hindi ko siya makakalimutan. Unang araw na makita ko siya sa PICU, dedma lang. Kilala niya siguro mukha ko. Ako rin kilalang-kilala ko mukha niya. Haha Hindi niya ako mautusan, yung ibang trainees tinatawag na niya sa pangalan pero ako hindi niya matawag kahit ma’am lang or Kat. Hindi niya ako mautusan pag kailangan niya ng tulong. Minsan nag-insert siya ng IV, tinulungan ko siya, naawa lang ako kasi siyempre malikot ang mga baby, mahirap hanapan ng ugat. Tahimik lang kami, after ng insertion, nag-thank you siya. Parang gusto ko sabihin na “Dapat lang!”Hahaha pero siyempre hindi ko sinabi. Gusto kong iparamdam sa kanya na, “Uy, eto na yung sinisigawan mo dati!” Kaloka! Sarap niya sapakin minsan! Promise!!!

my favorite doctor aside from doc rhiane and weng of course;p

Habang lumipas ang mga buwan, halos magkasama kami bawat duty. At bawat duty ay toxic. Minsan natutuwa ako na kasama ko siya, until one day tinawag niya ako, “Kat!” tapos may pina-carry out. Nakakatuwa lang, sa wakas kilala na niya ako hindi na gaya ng dati. Lagi ko siya inoobserve, pinagmamasdan ang kilos. Bigla na lang isang araw nabura na yung idea na arogante siya. Alam mo kung bakit? I’ll list three things only pero sa tingin ko mas marami pa.

1. Siya lang yung doktor na nagbibigay ng pagkain sa bantay ng pasyenteng hindi pa nag-agahan at kumain ng tanghalian.

2. Siya lang yung doktor na nagbigay ng pera para makauwi ng Quezon province yung tatay ng isang pasyente.

3. Siya lang sa mga doktor ang nagbe-bless ng cadaver.

Tatlong dahilan. It doesn’t have to be a hundred reasons, to make me realize that he is the other way around. He is generous, caring, loving, hardworking and he became one of my inspirations. Yes, believe me. He touched my heart in a way that I wanted to serve my clients even without a salary. I wanted to serve because I want to, I just love to. I wanted to serve just like him.

I guess the greatest lesson I learned from him was to help, in any way you can without expecting something in return. I loved that about him. He was an inspiration and maybe, just maybe, he inspired me to do better. To improve in my skills and to love the job I have.

Be inspiring. Inspire someone. Doc Pete inspired me as  a nurse, unexpectedly.:) Siguro the other trainees took the criticism negatively, but I’m glad I didn’t. I wouldn’t have discovered that there was a saint in him.

my fellow nurses

He knows this…and he told me one thing when I wrote him a letter via Facebook, “Nakakatouch naman yung message mo.” (sikreto na kung ano yung message.hehe) At gusto kong sabihin, “Ako rin na-touch mo. Sana mas marami ka pang matulungan. Kailangan ka ng Pilipinas.”