The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day11: Giggle)

Hindi ko alam kung anong meron sa love team na MELASON (Melai+Jason) sa PBB Double Up at kinikilig talaga ako. Dati na akong nanonood ng PBB pero ngayon ko lang talaga tinutukan. Noong una ayaw ko kay Melissa kasi feeling ko OA talaga ang pagpapatawa niya pero sa kalaunan nagustuhan ko rin. Siguro nga ganun talaga siya, ang daming S’s sa mga sinasabi niya.haha Pero keri lang, tawa pa rin ako sa kanya.

Lalo ko talagang tinutukan ang PBB nung magsimula ng pansinin ng taumbayan ang loveteam ni Melai at Jason na mas kilala bilang MELASON. Natawa rin ako nung may anak na sila, si Dengue.hahaha Para silang totoong magulang na sobrang concern sa isang manika na kamukha nila. HAy…pero mas nakakakilig ang mga kulitan at tampuhan nila.

"MELASON" para sa akin talo pa nila si edward at bella.:)

Scripted man o hindi sila siguro yung perfect example ng love. Accepting the person for who he/she is. I love it.

So let’s giggle for now and enjoy their moments. Aminin man natin o hindi, nakakakilig sila at pinapasaya nila ang gabi natin.:)

“You’re just too good to be true. Can’t take my eyes off you.”

“Bakit para tayong nagde-date??”

Isay, nagde-date nga kau!hahaha

“Kaya may puso dahil mahalaga ka sa ‘kin.”

“Alam mo namang hayop ako….”—>”Hayop din ako.”

“Bakit ang magulang ko ang iibig sa ‘yo?”

“Sobrang mahalaga ka na sa akin. Ayaw kong ma-inlove dito.”

more of the videos in HelplessHarmony’s Channel in youtube.

videos courtesy of helplessharmony.:)

Advertisements