The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 12: Breathe)

Breathe….Pagkatapos ng NCLEX (na iniiwasan kong isipin ngayon) parang ang hirap huminga. Hindi mo alam kung pasado ka. Hindi mo alam kung bagsak. Nakakapanlumo. Nakakaloka. Pero maliit na bagay lang ang NCLEX kumpara sa mangyayari sa May 2010. Sa 2010 pipili ulit tayo ng mga lider ng bansa…sana makahinga tayo ng malalim pagkatapos nating pumili hindi dahil tapos na kundi dahil malakas ang loob natin na pinili natin ang tama para itaguyod ang pagbabago ng bansa kasabay non ay hawak kaway tayong mga Pilipino kasama ng presidente para sa pagbabago. Sabi nga ni Obama, YES, WE CAN! Para sa ikauunlad ng Pilipinas, OO, KAYA NATIN “TO!

Noong Linggo gabi pinalabas na ung HARAPAN ABSCBN Presidential Forum na naganap sa UST. Nakakatuwa talaga manood sa mga debate. Marami kang napanpansin, nakikita at naririnig. Maganda ang ginagawang presidentail forum ng Channel 2 para mas lubos nating makilala ang mga kandidato. Sana nga next time kumpleto sila, sana mga vice president rin at sana isama rin yung mga ibang kandidato na hindi sikat para lang din marinig natin ang mga opinyon at plataporma nila.

Noong 2007 nabigyan rin ako ng pagkakataon na makadalo sa isang political debate. Invited noon ang mga senatoriables. Ang debate ay naganap sa auditorium ng St.Scholastica sa Taft. Maraming estudyante. First time kong pumunta ng St.Scholastica nun kasama ng ibang nursing students, first time umatend ng political debate, first time makakita ng comfort room sa school na parang spa/bathroom sa hotel (pramis!maganda at malinis) at first time ko ring makadalo sa isang debate na isa lang ang nagde-debate. Korek! Isa lang sa ilang mga senador (Ping Lacson, Chiz Escudero,etc.) or mga gustong kumandidato ang dumalo. Actually hindi na debate ang nangyari, parang question and answer portion na lang sa isang beauty pageant. At yung isang yun, yung kaisa-isang kandidato na hindi kilala ng karamihan. Isang doktor, isang propesyonal, maganda ang platoporma, kung siguro pwede na akong bumoto noon, siya ang unang isusulat ko sa balota ko.

Noong araw na iyon, bumaba ang tingin ko kay Chiz Escudero. Bilang isang kabataan na uhaw sa pagbabago, idolo ko si Chiz Escudero pero noong araw na iyon isang bagay ang tumatak sa isip ko “Kung hindi niya mapuntahan ang isang maliit na forum na inorganisa ng mga kabataan, paano niya kami maipaglalaban? Paano niya kami mabibigyan ng pagkain sa araw-araw? Paano niya kami mapag-aaral ng libre? Paano niya kami mabibigyan ng libreng gamot? Paano? Paano kung ngayon pa lang hindi na niya matupad ang isang maliit na paanyaya? Paano kung nanalo siya at yung malalaking tao na lang ang tutugunan at babalewalain kami. Ang mga iyan ang tumatak sa isip ko kaya hindi mo ako masisisi ngayon kung hindi ko gusto ni Chiz Escudero. Sabihin na nating isang boto lang ako, na maliit na presidential forum lang ang naganap noon sa St.Scholastica pero kung ang maliit na bagay na pinangakuan niya na pupuntahan niya pagkatapos babawiin lang pagkatapos ng ilang oras, yung maliit na bagay na yun pano kung mas malaki na sa susunod? Kung ABSCBN din kaya ang organizer pumunta siya noong araw na iyon? Lesson: Huwag kang mag-confirm ng appointment kung ikakansel mo lang din! (Galit? Hindi po.)

Fast Forward 2009. Hindi ko napanood ang first part ng forum. Hindi ko napanood yung introduction nila pero after that tumatawa, pumapalakpak, nagmumura ako sa mga sagot sa tanong ng bawat Pilipino, boto patroller man, estudayante, journalist, at kung sino-sino pa.

Siyempre hindi ko malilimutan ang tanong kay Erap at ang sagot niya na “Luho niya ang maglingkod sa mahihirap.” Ang tanong rin kay Noynoy at ang kasagutang “I never lied/white lies like.” at yung sinabi ni Gibo, “…It doesn’t mean that I can be dictated upon.” Pero hinding-hindi ko malilimutan ang last question: “ANO ANG GUSTO MONG MAALALA NG MGA PILIPINO SA ‘YO” (not the exact line pero ganun na rin.hehe) At yan na siguro na pinakamagandang tanong. At hindi ko rin malimutan ang pinakamagandang sagot ayon sa aking opinyon ay ang sagot ni Dick Gordon.

Here’s a video. You can also subscribe to Pinaswatcher in youtube for more of the harapan videos.:)

]

(I don’t know why I can’t embed videos! Here’s the link.:http://www.youtube.com/user/pinaswatcher#p/u/40/D84GYPfr4-A)

Maaga pa para magdesisyon…

Parang halos lahat ng entry tungkol sa politics…

Hingang malalim…buntong hininga…DEEP BREATHING…

Sa ngayon…antayin ko muna ang resulta ng NCLEX…

breathe…

breathe…

Naisip ko lang…bakit kailangan ko pa ipasa ang NCLEX if I can find my future in the Philippines? Hear!