The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 15:Hope)

May bukas pa sabi nga ni Santino. Huwag mawalan ng pag-asa, magtiwala lang kay Bro. Hay…kabado pa rin talaga ako sa resulta ng exam ko. Hindi ako confident siguro marahil dahil hindi talaga ako mahilig magreview.hehe Pero ang assessment ko, okay naman yung mga last questions ko, yun nga lang hindi ko alam kung pasado talaga ako. Nakakakaba. Imagine mo pag bumagsak ka, gumastos ka ng mahigit kumulang 50,000php para lang sa application, processing at review. SAyang ang pera kung bumagsak ako pero sabi nga ni Bro wag mawalan ng pag-asa.

Gabi bago ako mag-exam pinaalala ko kay mama ang gusto kong regalo pag pasado (Nikon D90). Umaabot yun more or less 60,000php. At dahil sa pinanganak yata ang nanay ko pessimistic, “Wag ka humingi ng……” Hindi ko na pinakinggan ang sumunod na sinabi niya, binaba ko cellphone at hinintay na matapos siya sabay sabi ko ng “Babay!”

grown up wishlist naman to ah!!

Nasanay kasi ako sa positive reinforcement. Siya rin naman ang may pakana nun simula nung bata kami. Kapag mataas ang grades may Jollibee. Kapag panalo sa quiz bee, may regalo. Sa graduation may cellphone, CD player or laptop. Nasanay kasi ako sa ganung paraan pero ni minsan hindi ko hiningi ang Jollibee, regalo, cellphone. Laptop lang naalala ko, hiningi ko yun kay dad nung nagsisimula ako sa research namin dahil mahirap nga namang mag-rent palagi ng computer, dagdag gastos. At hindi ko nadadala ang desktop sa school kung gusto ko mag-edit. Maigi na may laptop. Pero ang laptop na iyon, dumating lang nung tapos na ako ng college, nung hindi ko na kailangan sa research. Sana binilhan na lang ako ng Littman na stet pero maigi na rin ang laptop may gamit ako sa pagba-blog ngayon dahil binaha ang PC namin.

DSLR lang talaga ang gusto ko ngayon. Kahit noong bago pa ako mag-NCLEX. Siguro mas tumatag ang loob ko na subukan ang mundo ng photography simula nung nakilala ko si Chester. Lalo pa ngayon na mas ganado na akong mag-try ng ibang career maliban sa pagiging nurse, travel coordinator at freelance ghost writer. Kung aasa lang kasi ako sa nursing sa Pilipinas, marahil aabutin ako ng sampung taon bago ako makahanap ng trabaho ng may sweldo hindi yung puro volunteer lang. Masarap magtrabaho kahit walang sweldo dahil nakakatulong ka pero mas masarap siguro kung may sweldo rin kami at hindi na kailangan pang lumabas ng bansa para lang sa magandang sweldo kapalit ng trabahong may dignidad at pinaghihirapan. Kung aasa lang din ako sa pagiging travel coordinator, at yung mga business partner ko eh wala naman ginagawa wala ring mangyayari. Aabutin rin ng sampung taon bago kami makakuha ng regular clients, big discounts sa transpo at hotels. Kasi dalawa lang din naman kami ni Lala ang umaasikaso sa negosyo tapos ang treasurer ay nangunguha pa ng treasure sa puhunan. Lalong wala talagang mangyayari. Kung aasa lang din ako sa freelance writing, malabo rin. Masarap na sideline ang freelance writing pero paano kung wala ng clients? Okay na $1-2 per article na kaya kong gawin ng 1 to 2 hours, pero paano nga pag wala ng clients, wala na ring kita.

Kasama ko silang mangarap nung bata ako! Tatlo sa amin gustong maging doctor, pero ni isa ngayon walang doctor.:))

Ang mga bagay na iyan ay ilan lang sa mga dahilan kung bakit gusto ko rin subukan ang mundo ng photography. Maraming opportunities sa photography, lalo na pag magagada kuha mo. Pwede mong  ibenta ang pictures online, parang freelance writing din ang presyo pero kung marami kang downloads mas marami rin ang kita. May kaibigan akong designer ng gowns, pwede niya ako i-refer kung may mga clients siya sa weddings or debuts. Magkakaroon ka ng sarili mong pangalan hindi tulad pag ghost writer ka.:( Ghost ka na lang.haha Nung bata pa ako, sinabi ko kay mama na gusto kong mag Fine Arts, at dahil nga pessimistic talaga ang nanay ko ang sabi niya wala daw kinabukasan ang graduates ng Fine Arts. Ganun ang nanay ko kaya sabi niya magdoktor daw ako para pag mgayaman na ako tutulong daw ako sa mga mahihirap. Pero dahil nauso ang nursing, sabi ng nanay ko magnursing na lang daw ako at mag-iipon para makapagdoktor. Magnursing daw ako dahil yun ang in demand pero hindi niya na-foresee ang recession. Hindi niya naisip na after four years kaya in-demand pa? Sa libo-libong registered nurses ngayon saan sila magtratarabaho? Kung sana nag Fine Arts ako maraming opportunity sa advertising. Sayang. Pero hindi rin naman ako nawawalan ng pag-asa.

Mas maganda sana to kung may DSLR lang.:)

Sabi nga ni Bro. Bo sa talk niya noong KCon, FOCUS ON THE DREAM, NOT THE GIANT. Kung pangarap ko talagang magkaroon ng SLR, maging magaling na photographer dun lang talaga ako magfo-focus. Sa ngayon yun ang goal ko. Paano na yung resulta ng NCLEX ko? Kung pasado, salamat! SAna magamit ko ang lisensiyang yan sa lalong madaling panahon. Kung hindi naman, retake? HINDI. Siguro isang sign na iyon na mas kailangan ako sa Pilipinas, mas kailangan ako ng mga Pilipino at hindi ko na kailangang pumunta ng ibang bansa. At siguro sign din yun na tuluyan ng magpalit ng karera. Hindi ko naman iiwan ang nursing at ang pagiging nurse, it also feels good to see people smile behind the lenses.

You can read Bo Sanchez’ book on How to Conquer your Goliaths. Its a practical book on overcoming problems that prevents us from reaching our dreams.:)