The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day13: Forgive)

He spent four years in college. Another four years in med school. Another four years for his residency training. And after all those years, his license was revoked by the PRC because of immorality? Come on!

The famous celebrity doctor, ex-boyfriend of Vicki Belo and Maricar Reyes, the star in the Careless Whisper sex scandal with Katrina Halili also has his Christmas wishlist. And its about him being forgiven with all the drama and pain he caused.

Dr. Hayden Kho...-> no more MD.:(

Siguro alam lahat ng tao sa Pilipinas ang kontrobersyal na sex video nila ni Katrina Halili at ng iba pang mga kasintahan niya. Bilang isang babae kakampihan ko si Katrina siyempre (lalo pa’t kapangalan ko siya.chos!) Immoral nga naman yung ikalat ang se video niyo which is supposed to be private and in the first place dapat wala ring sex video. Pwede naman mag-sex na walang video ah.LOL Pero noong narinig ko balita na na-revoke ang license ni Hayden, siguro kalabisan na iyon. Para sa akin, okay na suspension. Pero yung tanggalan ka ng lisensiya, ang sakit non tol! Isipin mo halos sampung taon siyang nag-aral para sa lisensiyang iyon tapos tatanggalin lang dahil siya ay may sex video at nalaman ng buong mundo? Masakit yun, kasi nurse ako. Alam ko ang hirap ng mga doktor. Yung apat na taon nga lang sa nursing mahirap na, how much more sa medicine di ba? Mahirap maging doktor, 36 hours duty, 12 or 24 hour day-off, on call duties, toxic duties, toxic patients, toxic relatives, toxic consultants, clinical research, etc. yan ang pinagkakaabalahan nila bago nakuha ang mga letrang MD sa pangalan nila. Tama si Hayden ng sabihin niyang, “My personal life has nothing to do with my practice of medicine.” Bakit revocation ng license? Pwede naman suspension lang muna. In the world of health care, maraming mas grabe ang nagawa. Sabi nga ng lawyer niya, “Paano yung mga nurses at doktor na nag-video ng operation sa isang pasyente na tinanggalan ng kung anu sa pwetan.” Yes, I feel mas grave yun. Sa tingin mo? Paano yung mga doctor na nakaiwan ng gasa, scalpel, karayom, sinulid sa loob ng pasyente? Paano yung mga nurses na nagbigay ng maling gamot? or yung mga nurses na nagbigay ng gamot na dapat ay sa ibang pasyente. Maraming mga kasong malpractice at negligence, pero bakit parang iilan lang ang napaparusahan. Bilang isang nurse, oo, aware ako na sa kahit anong paraan ipaglalaban ka ng hospital dahil employee ka nila at masisira ang pangalan nila. Dahil ba sa sikat si Hayden kaya revocation na lang ang last resort? tsk…Hindi ako legal expert pero siguro naman kailangan i-review ang grounds for revocation of license. At hindi ko rin kinakampihan si Hayden nor tinatalikuran ang ipinaglalaban ni Katrina, but I guess its time for us to forgive.

Sabi ni Katrina kanina, “Mahirap din naman magpatawag kung hindi sila humihingi ng tawad.” May point siya dun, kaya advice ko lang kay Hayden ask for forgiveness, personally para mas masaya ang Christmas mo!hehe

controversial text... syet! di ko na-edit number.haha paano ka magpapatawad kung kasinungalingan lang din lahat?? *emo*

Mahirap nga naman magpatawad lalo ng kung sobrang nasaktan ka. Ako rin nahihirapan ako magpatawad sa mga taong nakasakit sa akin (e.g.Michael Atuan, Claire Amparo, etc o diba nilagay ko talaga?lol)  pero madali na lang kung hihingi sila ng tawad. Nag-sorry na si Claire sa text….Pero hindi ko na inaasahan na magsosori pa yun sa personal. Si Mike? Kung may tataas pa sa Dubai tower, ganun kataas ang pride niya. Hindi mahirap magpatawd kung alam mong nagkamali kailangan mo ring humingi ng tawad. Hindi ako or siguro si Katrina Halili rin humihingi na lumhod ka sa harap ko para lang mapatawad kita, pero yung inamin mong nagkamali ka at nagsori ka, lalambot na ang puso ko at patatawarin nakita.

Sabihin 'wag isulat.:)

Ibang case naman yung FORGETTING. FORGIVE na lang muna for now. Who know’s baka sa day 30 pwede na ako sa level na forgetting.hehe Mahirap din naman kalimutan na nakita ng buong mundo ang pagtatalik niyo di ba? Di ba?

*peace* hats off to Katrina for fighting women’s rights.:)

Thanks to deepsha on Flickr for the pic.