The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day14: Open your heart)

December 9, 2009. Hindi ko makakalimutan ang araw ng aking NCLEX! Ang araw na pinakahihintay ko after how many months. Pero hindi lang dahil NCLEX ko ang araw na iyon, may nangyari lang din na hindi ko inaasahan. Tumawag ang crush ko!!!! *kilig*blushblush*dance* pero hindi ko nasagot at nireplayan ko siya ng “HU U?”

Hanapin mo siya jan!lol

Naiinis ako sa sarili ko! Around 11 am yun at naghahanda ako ng mga gagamitin ko sa exam ng 3pm. Pumunta ako sa kabilang bahay para mag-print ng ATT ko at hindi ko nadala yung phone ko. Hindi ko rin alam kung missed call lang or tawag talaga pero gayon pa man, may tawag!hahaha Matagal na kaming hindi nagkikita or nag-uusap. Mahigit isang buwan na siguro simula nung sagutin ko ang tanong niya na, “Anong ginagawa mo?” “Nagrereview po para sa NCLEX.” —>ur crush is offline. cannot connect to chat. Yun ang last na usapan namin. Naisip ko gusto niyang magreview muna ako at nung December 9 baka tumawag lang para i-gudluck ako. (Feeling?lol Wala na pakialamanan.) Pero marami kasing tanong sa isip ko.

1. Paano niya nalaman ang number ko? Madali lang naman magtanong sa mga nurses sa PICU. Madali makuha.

2. Paano niya nalaman na ngayon ang exam? Siyempre nachismis na yun sa PICU. Madali lang kumalat yun, kasi halos lahat ng kaibigan ko alam naman na mag-exam ako.

3. Bakit siya tatawag? Ngayon naiintindihan ko kung bakit hindi pwedeng magtanong ng may “BAKIT o WHY sa psychology/psychiatry/therapeutic communication—>dahil it makes the client more anxious!!!

Oo nga naman, bakit kasi siya tatawag? Kinikilig ako promise! kahit hindi ko nasagot ang tawag, siguro kasi namiss ko siya. Siguro lang din namiss ko talaga siya or pwede naman tinutupad na ni Lord yung prayer ko. naks!

Akalain mong paglabas ko ng gate ng bahay, LRT, MRT at hanggang sa Starbucks kung saan ako tumambay nakangiti ako. Parang tanga lang! Haha. Sabi nga nila masarap ma-inlove kaya siguro nakangiti ulit ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw pero sa ngayon masaya ako. Simula nung 11:30AM ng December 9 masaya na ako dahil lang sa isang tawag. At siguro mas masaya ako kung magkakaroon ng sagot yung mga tanong sa taas at kung masasagot ko na yung phone next time. (Lesson:Dalhin ang cellphone kahit sa saan!)

I will never forget 12-9-09 not because it was the dayI took my NCLEX, it was the day he called but its more of because that day I opened my heart again. That day I realized that its time. I had my time grieving over the fact that this guy broke my heart, this guy cheated on me, etc. But that day, I opened my heart to more possibilities, to trust again to hope and to believe that there is a man out there not a guy, but a man who will love me, just me and only me.

Open your heart too. Maybe its time. Don’t give up on love.:)