The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 17: Deal with criticisms)

Hindi naman masama kung punahin natin ang gawa ng iba. At hindi rin naman masama kung tayo ay punahin rin ng iba. Nasa atin na lang din paano natin kung paano natin i-handle ang mga punang hindi maganda. Sabi nga nila, “The fire that melts the butter is the same fire that hardens the steel.”

Parang hindi naman grown up ang entry ko ngayon, pero sa tingin ko sa dito sa mundong ibabaw maraming puna ang mararanasan ng bawat tao. Hindi maiiwasan yun. Paglabas mo pa nga lang sa mundo, pupunahin na ng mga doktor, nurse, at iba pa ang mukha mo. Pati sa kamatayan, make up mo na lang mapapansin pa. Kaya kailangan matuto rin tayong pumuna at tumanggap ng puna masakit man ito sa loob o hindi. Pero karamihan siguro nakakasama ng loob kaya tayo nawawalan ng kompyansa sa sarili, pero kung paano natin malalabanan ang mga punang tulad na lamang ng mga galing sa bibig ni Simon Cowell, yun ang magandang pag-usapan.

"It's a lesson learned. You have to stand out in a crowd." Coming from Mr. Cowell...good. eh?

Si Simon Cowell siguro ang isa sa mga pinakabrutal sa mundo ng criticism sa mga reality shows tulad ng Americal Idol at British Got Talent. Parang hindi makain ng aso ang mga komento niya kaya naman pati sa Pilipinas ginagaya siya ni Boy Abunda noong kapanahunan ng Star Circle Quest.  “Para kang iced tea na walang ice.” Yan ang isa sa mga punang hindi ko malimutan mula kay Boy Abunda dahil sa nakakawalang ganang performance ni Hero Angeles. Hindi magandang pakinggan. Napapahiya ka sa national TV isama mo pa ang mga TFC subscribers. Pero hindi nawalan ng pag-asa si Hero Angeles at ginalingan pa niya. Sa huli siya rin ang tinanghal na bida sa Star Circle Quest. Ayun, ininom na siguro ni Boy ang iced tea na sinasabi niya. Pero hindi rin nagtagal si Hero sa larangan ng showbiz at dahan dahang nawalan ng kinang.

hero angeles, star no more?

Contrary sa character ni Hero Angeles ay ang character ni Carol sa PBB Double Up. Noong una, naawa pa ako kay Carol dahil nahihirapan siya sa mga physical tasks. Nakakaawa nga naman yung wala siya points noon sa quiz bee nila at si Jason ang nagpanalo na kung tutuusin ay si Carol ang pinakamatalino sa kanila. Para sa akin sobrang hina ni Carol hindi lamang sa pisikalan kundi pati natin emotional. Thinking na galing sa isang pamantasang liberal, nag-iisip pa rin siyang parang bata at laging kailangan niya ng “talino” para sa mga tasks. Kailangan rin siguro maintindihan ni Carol na ito ang tunay na mundo, ito ang mundong ginagalawan ng tao, at may mga taong nai-inlab kahit sa sobrang ikli ng panahon, at hindi lahat ng swit sa ‘yo eh may gusto na sa ‘yo at hindi lahat ng bgay iiyakan sige ka pag nawala si Hermes wala ka ng luha.lol

can carol deal with more criticisms outside the PBB house?

Two different reality shows. Two different genders. From the same university. From different races. From different walks of life. But in the end it sums up to being human. Two human beings being criticized and yet two different approaches on how to deal with it. Criticisms are part of being human. Dealing with it no matter how bad or how often they criticize you makes you more human.:)

You think he wasn’t criticized at birth? YES he was but then look at him now, inspiring millions and you may be one of them.