The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 18: Write about something and be happy about it)

Ngayong taon na ito ko lang naranasang magsulat tungkol sa pulitika, sa maling sistema, sa gobyerno at sa bulok na pamamalakad. Dati wala naman akong pakialam kung ano man ang nangyayari sa Pilipinas pero totoo nga siguro na as you age, you mature. Minsan rin naiisip ko bakit ngayon lang ako nakapagsulat ng mga blog tungkol sa saloobin ko sa bulok na pamahalaan ng Pilipinas pero hindi pa naman huli para malaman rin ni GMA, ng mga presidentiables, ng mga nasa kapangyarihan ang saloobin ng isang kabataan. Kaya mula ngayon magsusulat pa ako ng mas marami para kahit papano may ginagawa tayo (indirectly) para baguhin ito.

Noong nagsulat si *Cecilia Ruwisenyor tungkol sa kabulukan ng mga ospital sa Pilipinas lalo na tungkol sa pagiging nurse maraming humusga sa kanya. Kasama rin ako dun partly pero mas marami ang hindi nakaintindi dahil mas marami ang nakalubog na sa putik ng kabulukan. Ito ang blog niya. ( http://www.facebook.com/home.php?#/note.php?note_id=141504466598) At dahil nabasa ito ng mga kinauukulan nagkaroon pa ng part two. (http://www.facebook.com/home.php?#/note.php?note_id=146842051598) Siguro para lang din asarin pa sila.lol

Sa tingin ko walang hinanakit si Cecilia sa mga doktor, staff nurse, NA at kung sino pang nakasalamuha niya sa ospital. Yun ang unang akala ng mga taong siguro ay tinamaan sa katotohang isiniwalat ni Cecilia. Wala siyang sama ng loob sa mga tao kundi sa sistema mismo, sa bulok na sistemang pati ang mga empleyado ng ospital ay hindi malabanan dahil takot sila sa mga nasa kapangyarihan. Si Cecilia ay ilan sa mga libu-libong nurse na nakapasa ng board exam at wala ring trabaho. Nakita ko rin ang sarili ko sa kanya noong kakatapos ko lang din makuha ang lisensiya ko at wala ako mahanap na trabaho. Puro reklamo. Ang hindi naisip ni Cecilia isang bagay lang, isa siya sa mga libu-libong nurses na nabigyan ng pagkakataon upang makapagtrabaho (wala nga lang sweldo) at magkaroon ng experience. Hindi niya naisip na sa libu-libong mga nurses na pumasa, sa pagkakataong yun may trabaho siya na hangad ng ilang libo pang nurse. Maraming naghahangad sa posisyon na iyon. Kung pwede lang din ako magtrabaho dun ng mas matagal kahit walang sweldo mas gugustuhin ko kaysa naman tumatambay ako.

Hindi maibigay ng pagiging tambay ang mga karanasan ko sa PICU. Hindi maibigay ng pagiging tambay ang mga ngiting nakikita ko sa pasyente kapag palabas na sila ng ospital. Hindi maibigay ng pagiging tambay ang pagkakaibigang nabuo sa loob ng ospital. Hindi maibigay ng pagiging tambay ang maging magaling na nurse. Hindi maibigay ng pagiging tambay ang mga papuri galing sa head nurse, clinical manager, chief resident at kung sino pa na nagugustuhan ang pagsisikap mo sa trabaho.

kung si dora ang nurse may time pa kaya siya maglakwatsa?

Pero sabi ko nga sana maintindihan rin ng mga nasa kapangyarihan, ng presidente ng Pilipinas at Philippine Nurses Association, ng secretary ng  DOH, ng medical director, ng chief nurse at kung sino pang dapat makinig sa amin na maliban sa experience at trabaho kailangan rin namin ng trabahong may sweldo dahil hindi naman kami robot.

Masaya na siguro si Cecilia ngayon dahil naisulat na niya ang saloobin niya. Ako rin. Mas sasaya pa sana kami kung magawan ito ng paraan.