The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 20: Pursue a passion)

Noong natulog kami sa bahay ni Arvin, marami kaming napag-usapan. Mga sikreto noong college, mga sikreto ngayon sa London, mga pagsisisi, mga pangarap. Siguro ang isa sa mga pinakamasara pag-usapan ang mga pangarap, natupad man ito o hindi.

Noong bata ako pangarap kong maging doktor. Or pangarap ng nanay ko na maging doktor ako. Magaling ako mag-sketch dati, mahilig kumuha ng picture ng mga bulaklak, puno, sunrise, bundok at kung anu-ano pa maliban sa sarili ko. Sinabi ko sa kanya dati, “Mag-fine arts ako sa collge ha.” Pero sinabi lang niya, “Hindi ka mabubuhay ng fine arts anak. Anong gusto mo maging photographer ka habang buhay at kumuha ng ID picture? Mag-doktor ka na lang. Yayaman ka na, makakatulong ka pa. Tapos magpatayo ka ng ospital ng mahihirap.” Kung tutuusin maganda ang pangarap ng nanay ko para sa akin. Mayaman ako, mabibili ko ang gusto ko, at makakatulong pa ako sa lipunan. Kaya naman simula noon kung tinatanong nila kung ano gusto ko maging paglaki lagi kong sagot ang, “Gusto ko maging doktor para makatulong sa mahihirap.” Panalo! Pang pageant na sagot. Pero hindi rin naisip ng nanay ko na yayaman ka rin sa fine arts/photography at kaya mong tumulong sa mahihirap. Maraming trabaho ang kayang ibigay ng mga graduates ng Fine Arts. Graphic artists, sa mundo ng advertising, web design, photography, interior designer, at marami pang iba. Napakalaki ng kita kung talented at magsisikap ka talaga. Nakita ko nga minsan a blog ni Chase Jarvis isang sikat na photographer “124,000 dollars for 30 seconds” or something like that. Ang fine arts or any art related course maari kong kunin ng apat na taon, sa ibang pamantasan siguro tatlong taon. Pag nagdoktor ako apat na taon sa pre-med, apat na taon sa med school, apat na taon sa residency program kung gusto mo pa ng sub specialty madadagdagan pa yang labing dalawang taon para matapos mo ang pangarap mo. Kung photographer, graphic artist or interior designer ako yung kikitain ko ng walong taon sa pag-aaral at oras na gugugulin ko sa pag-aaral maaring panahon ko na iyon upang kumita ng pera at magkaroon ng sariling pangalan sa mundo ng sining. Sabihin na nating nasa pagsusumikap pa rin yan, kung walang tiyaga walang nilaga. Kung gusto mo talaga, makakamit mo yun. Kung balak kong magpatayo ng sarili kong ospital aabutin siguro ako ng 20 or 30 years bago ko magawa yun.

Ang malaking pagsisisi ko nung high school ay hindi ako namili ng maraming pamantasan para sana marami akong choices sa college. Dalawa lang naman ang gusto kong course noon, Interior Design o Journalism/Literature. Siguro ko kung nadiskubre ko ang advertising arts, film, at communication arts marahil isa sa mga iyon ang pinili ko. Sumabit lang talaga ang nursing kasi sabi ng nanay ko (LAGI NA LANG SINASABI NG NANAY KO!) in demand yan, mag-ipon ka muna para makapagdoktor ka tutal maganda namang pre-med ang nursing. Hindi naisip ni Nanay na in demand noong 2003, 2004, 2005 pero pagkagraduate ko kaya in demand pa yan? Hindi ko rin naisip yun. Lagi na lang kasi akong sumusunod sa kung ano ang gusto nila dahil yun daw ang makakabuti sa akin. Pero anong nangyari? Tatlong buwan na lang mag-expire na ang lisensya ko bilang nurse hindi ko pa nagagamit ng lubusan. Wala pa akong trabaho dahil freeze hiring daw. Hindi ako makapunta ng abroad kasi wala naman ang experience. In demand ang mga nurse, OO, pero tulad ng doktor aabutin ako ng siyam siyam bago ko maranasan ang 26 dollars per hour na sweldo.

Kaya ngayon, magiging pasaway na anak muna ako. Gusto ko na rin kumita. Mahirap din naman kumita sa freelance writing, kung walang client wala ring project. Mahirap din kumita sa tours, dahil kung hindi summer matumal ang kliyente. Saan ako kukuha ng pera pambili ng mga gusto kong bilhin? Ayokong umaasa na lang sa mga magulang ko. Dapat ng 21 pa lang ako hindi na ako umaasa sa kanila, pero ginusto nilang mag-nursing ako kaya wala silang karapatan ngayong sabihing tambay lang ako dahil wala naman talagang trabaho ang mga nurse ngayon. Magpapasaway muna ako, maghahanap ng trabaho outside the world of nursing at pagkatapos nun I will pursue my passion sa world of arts. Photography. Yun lang muna.

Di ba mas masaya rin ang trabaho kung nag-eenjoy ka at gustong-gusto mo?

Advertisements