The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 21:Be Beautiful)

Adik talaga ako ngayon sa PBB. Inaabangan ko talaga kung ano ang nangyayari kina Melai at Jason at Cathy-Hermes-Carol. Siyempre ang mga love team naman talaga ang nagbibigay ng matataas na rating sa TV shows aminin na natin yun, kung kinikilig ang masa go! nood lang nood kahit hindi pa marunong umarte yan sa harap ng camera. —>SI KC ang tinutukoy ko. Pero kahit kailan hindi ko talaga nagustuhan si KC, hindi talaga siya marunong umarte kahit punong-puno na ng luha ang mukha niya. Hindi ko rin maintindihan kung sino man ang kinikilig sa loveteam nila ni Piolo. Kasi pag andiyan na ang Lovers in Paris dati, parang gusto ko ng matulog kung hindi lang dahil kay Melai at Jason. Enough with that…

Be beautiful. Natuwa na naman kasi ako kay Melai. Ang ganda ng transformation niya sa date nila ni Echo. Aminin na natin hindi naman talaga kagandahan si Melai. Pero maganda kawatan niya, may figure kumbaga at long legged legs (haha) din. Maganda si Melai sa date nila ni Echo with the green dress, natural make-up and the ‘do without straigthening the hair. Perfects sabi nga ni Melai with the “s”.hehe

Morena ako tulad ni Melai. Maitim pero straight ang buhok. Uneven pa skin tone ko.lol Brown eyes, hindi naman pango ilong ko, hindi rin naman ganun katangos, katamtaman ang tangkad, kumpara sa ibang babae pangit siguro ako pero tingin ko maganda naman ako. Photogenic pa ako! Naka na! Ang kapal ng mukha ko ngayon.haha Maraming taong nagtatanong sa aking kung gusto ko daw bang pumuti. AYOKO. Hindi ko pinangarap maging maputi para lang mas gumanda. Kasi tingin ko mas maganda ang Pinoy beauty. Gusto ko lang pumantay ang uneven skintone ko, pero ang pumuti ayaw ko. Masaya ako sa pagiging brown.:) Maraming paraan sana tulad ng pinakasikat na glutathione, bleaching, whitening creams, lotion, pills at kung anu-ano pa ang nasubukan ko na, pero ni minsan hindi pumasok sa utak ko na pangit ako kapag maitim ako at mas maganda ako pag maputi ako. Ito ang binigay ni Lord pasalamat na lang ako dahil mas may maitim pa sa akin. Ang pinakamagandang regalo siguro ni Lord ay ang hindi pagtubo ng pimples sa mukha ko. Yun yon!

Below are some of the most beautiful black/brown women all over the world.:)

jennifer lopez

beyonce knowles

eva mendes--->gusto ko siya maging kamukha.

princess of PBB double up

angel aquino--->ito ang tagal pinay beauty

alessandra de rossi

melissa cantiveros

and of course ME! *vanity ito!*haha

Be Beautiful. Sa anu mang paraan maari kang maging maganda. Hindi kailangan ng magandang damit, make-up, maputing balat, seksing katawan. Lahat naman ng tao maganda, kailangan lang i-flaunt kung ano ang meron ka. Kung sabihin man ng ibang tao na pangit ka, wag ka maniwala.

Tulad ng video na ito from Christina Aguilera.

*salamat kay Elmer sa picture ko. at sa google sa pagbibigay ng matitinong images at sa mga nag-upload sa kanila. kung sino man kau, salamat!

Advertisements