The 30 day Project: My Grown Up Christmas List (Day 22: Make Lasting Memories)

This past few days sobrang busy talaga ako. Ang dami kong reunions with friends. First was with Chester noong nag-attend kami ng seminar. Last Friday naman we went to Arvin’s place in Bulacan then Sunday with the girls dahil birthday ni Joanne. Today, I’m going out with my PICU friends. Nakakapagod na schedule pero sobrang enjoy lalo na pag matagal kau hindi nagkikita.

goofing around in bulacan

clubbing with batch 2007

Make lasting memories. Siguro reunions ang favorite ko kasi nakikita mo yung mga hindi mo palaging nakikita or yung mga friends or enemies mo na matagal mo ng hindi nakikita. Surprising lang kapag madaming transformations, changes and wala yung mga what-used-to-be’s. Para sa akin habang maaga pa let us make lasting memories with our friends. Sabi nga nila pag nag-asawa ang isa sa grupo hindi mo na sila makikita ng madalas kasi siyempre family na ang priority nila. Hindi mo na rin sila makakasama sa mga gimik kasi mag-aalaga na lang sila sa mga anak nila or busy na rin ang iba sa pagtatrabaho. Habang maaga pa, dalasan ang mga bonding. You’ll never know when or where ang susunod na bonding niyo. Maaring next month paalis na ang isa puntang abroad. Maaring next year mag-asawa na yung isa. Maraming possibilities.

beach bumming with my girlfriends

So for now, take time to make lasting memories. May it be coffee dates, movie or DVD marathons, fine dining dates, shopping galore or window shopping galore, beach bumming, road trips or slumber parties. Anything or any way you want to celebrate, pwede! Make lasting memories and maybe after 20 or more years it would be wonderful to look back on those happy days.:) Imagine mo lola na kau, tapos kwentuhan niyo nung mga tumatagay pa kau ng “the bar, apple vodka” :p