The 30 day Project: My Grown Up Christmas List (Day 23: Turn Green, Go Eco)

I’m amazed that big companies like SM has provided us eco-friendly green bags. Sabihin na nating kung malalaking kumpanya nga pwede silang gumawa ng paraan para masagip ang kalikasan paano pa kayo tayong mga ordinaryong tao lang.

Turn green, Go eco! Matunog ang mga balita tungkol sa climate change ngayon. Maraming mga tao ang gustong iligtas ang mundo, kasama na ako dun. Sana ikaw rin. Hindi ako bumili ng green bag ng SM, hindi dahil sa ayaw ko makatulong pero para sa akin makakatulong ako sa sarili kong paraan. Sa ICA-Batac ko natutunan ang pagiging earth friendly. Itapon ang mga basura sa dapat na kalagyan. Pero sa CEU ko siguro natutunang gawin lahat ng ito. Sobrang linis sa CEU. Pagpasok mo sa North gate or South gate gugulatin ka ng tiles na pwede na lang ay gawin mong salamin. Nagkalat ang mga janitor or more popularly known as BMS (Bernardo Maintenance Service). Siguro mas marami ang BMS kaysa staff at faculty ng CEU. Sa comfort rooms laging malinis. Isa ang comfort rooms ng CEU ang pinagmamalaki ko na walang masangsang na amoy. Siguro dahil may disiplina ang mga estudyante na mag-flush at magtapon ng basurahan or pwede rin namang masisipag lang talaga ang BMS. Sa CEU ko natutunan ang paglagay ng basura tulad ng candy wrapper sa bag. Isipin mo kung dadagdag ang mga candy wrappers ko sa lansangan ng Manila marahil hindi lang baha ang aabutin natin. Malaking tulong talaga ang disiplina.

Hindi pa ako nakapunta ng Puerto Prinsesa, Palawan pero sabi nila isa raw iyon sa pinakamalinis na lugar sa Pilipinas. Yung mahihiya kang magtapon ng basura sa lansangan dahil sa sobrang linis. Kung kaya ng mga taga Palawan na disiplinahin ang sarili nila na wag magtapon ng basura kung saan-saan, kaya rin natin dito sa Maynila.

Sa Marikina, strict ang mga basurero sa pangongolekta ng basura. Kung hindi naka-segregate, hindi nila ito kukunin, may multa pa nga yata.

Bilang isang nurse, nakakatulong rin kami sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-segregate ng basura. Sa loob ng hospital may tatlong karaniwang uri ng basurahan. Ang blak, green at yellow bag.  Kung hindi namin matapon sa tamang basurahan ang mga ginamit naming materyales may memo kami, may multa pa ang hospital. Kaya pinagalitan rin kami ng mga janitors pag mali-mali ang mga nilalagay sa basurahan.

Maraming paraan para maligtas natin ang kalikasan. Maraming paraan pero karaniwang hindi natin pinapansin o tamad lang tayong gawin ang nararapat. Maiiwasan natin ang isa pang baha na dulot ng Ondoy at Pepeng kung lahat tayo magkakaisa sa isang layunin para mailigtas ang mundo para sa susunod na henerasyon.

Let’s turn green and go eco!

Advertisements