The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 24:Be patient)

Patience is a virtue. Mahirap maghintay kaya nga siguro ginawang virtue ang patience. May mga bagay kasi na hindi minamadali. May mga bagay na kailangang hintayin pero kapag nakuha mo naman iyon siguro sobrang saya mo na hindi mo mararamdaman na naghintay ka ng matagal.

Gusto ko talaga ng SLR pero bukod pa dun may hinihintay pa ako. Isa na ang trabaho para magkaroon ako ng pera pambili ng SLR. Pero maliban sa SLR at trabaho, isang tao lang naman ang hinihintay ko ngayon tawagin natin siya sa pangalang Derek. Hindi po yan si Derek Ramsay or si Derick Hubalde. Basta gusto ko lang Derek ang tawag ko sa kanya.hehe Favorite male name ko kasi ang Derek ever since, kung gagawa talaga ako ng nobela Derek ang pangalan ng main character ko.

Bakit ba hinihintay ko si Derek? Corny ang mga susunod na linya, kung wala ka sa emo mode wag mo na basahin. Noong nagbreak kami ng ex ko dahil sa pinagtaksilan niya ako gumawa ako ng listahan for the next boyfriend. Nasa journal ko pa yung mga qualifications. May exemptions naman pagdating taong mahal mo talaga pero siyempre kung broken hearted ka parang paraan yun para makapag-move on ka. Mahaba yung listahan. Ideal. Dapat perfect. Mangangarap ka na rin lang bakit second rate pa ika nga nila. Kung maramig LV bags na mas matibay at mas tatagal bakit pipiliin ko ang Secosana di ba? Mahirap din panindigan ang list na iyon. Kasi alam ko namang wala naman talaga sa iisang tao yung mga gusto ko. Meron lang naman akong 3 basic characteristics sa list.

1. Someone who will love me and only me (kasi ayoko ng may kabit ulit ang susunod, I deserve to be loved.)

2. Someone who can show me to the world (ayoko ikahiya ako.)

3. Someone who can tame the monster in me (may kanya kanya tayong flaws, kung masakyan mo yung akin, solb!)

Pero yung naka-round off list na yan mahirap pa ring hintayin.

Be patient. Pero paano ka rin maghihintay kung hindi ka gagawa ng paraan para hanapin ang taong iyon? Paano kung naghihintayan kayo at pareho kayong ayaw gumawa ng first move? Minsan rin naisip ko kung ako na kaya ang magsabi sa kanya, pero sa ngayon mataas muna pride ko at BE PATIENT muna nag drama ko.

Pwede bang BE THE PATIENT na lang para mas masaya? Ow yes doctor po siya.:) If there’s one more gift I’d ask of you Lord it would be….Siya na lang po kasi.hehe