The 30 day Christmas Project:My Grown Up Christmas List (Day 25:Shop for yourself)

This may not be so grown up but I think from time to time you have to shop for yourself. In my case, being a girl I’m not a shopaholic (maybe because I don’t have money.lol) but really when I go to malls you can see me mostly in 4 places. The bookstore, music store, movie house or a fine dining resto. Hindi ako mahilig bumili ng gamit. Mahilig lang ako sa bags at shoes pero minsan hindi pa ako bumibili. Laging si mama. Pero may nadiscover sko this year, mahilig na ako sa dress.haha Kaya kailangan na mag-shopping para sa sarili ko hindi yung lagi na lang binibigay ni mudra ang mga damit ko na kadalasan hindi ko naman nagagamit.

Nung nagpunta ako ng Greenhills, balak ko bumili para sa nanay at kapatid ko pero nung makita ko na ung mga dress….waaaaaah bibili na lang ako para sa sarili ko. Tutal matagal na panahon na nung bumili ako ng para sa akin. Huli ko yatang bili ng damit noong college pa, na buhay pa naman until now. O diba sabi sa ‘yo di ako mahilig mag-shopping. At yun nga bumili ako para sa sarili ko lang. Regalo ko na yun, kasi di ko naman afford regaluhan ang sarili ko ng SLR.haha

Pag-uwi ko ng bahay, sinukat ko agad yung mga damit. Sakto! Perfect! Nakakatuwa. Masaya pala ang feeling na paminsan-minsan eh binibilhan mo ang sarili mo.

Shop for yourself…if it makes you happy.:)