The 30 day Project:My Grown Up Christmas List (Day 26:Read classics, Listen to classics and Watch classics)s

Bakit nga ba hindi nawawala sa uso ang classic? Bakit nga ba hanggang ngayon marami pa rin ang nakikinig, nagbabasa at nanonood sa kanila? Marahil meron talagang naibibigay ang classic na hindi maibigay ng modern artists ngayon. Iba talaga pag classic. Tulad na lang ng Moonlight Sonata ni Beethoven. Una kong narinig ung sonata sa anime series na Detective Conan. Pero even before that naririnig ko na pala yun sa mga movies, hindi ko lang din alam na classic pala yun. Pati yung music na narevive sa My Girl na korean drama may Mozart or Beethoven rin dun, di ko lang din maalala yung title.hehe

Mahilig ako magbasa. Pero ni minsan wala pa akong natapos na gawa ni Shakespeare, Dickens, Hugo, etc. Boring kasi mahaba tapos masyadong descriptive pa. Pero sabi nga ni Elmer, kailangan mong ma-appreciate ang mga classic kaya naman goal ko yan next year, magbasa ng maraming classic.:)

Hindi ko pa napanood ang Godfather pero maganda raw iyon. Mahal kasi ang DVD niya, classic eh. Hihiram na lang din ako ng DVD nun para mapanood ko.

Nagtataka siguro kayo kung bakit nilagay ko ito sa Christmas list, kasi para sa akin kailangan nating maintindihan ang nakaraan para maintindihan natin ang ngayon. Parang kailangan nating maintindihan ang nangyari noong Martial Law at galit ang mga Pilipino kay Marcos para maintindihan natin kung bakit mahal ng mga Pilipino si Cory. Simpleng logic! Ah…basta ganun.

Advertisements