Plead:Not Guilty!

Kanina lang sa arraignment ni Zaldy Ampatuan Jr. para sa kaso niyang 41 counts ng murder hindi na siguro nagulat ang publiko sa plead niyang “not guilty”. Sino ba naman ang aaminin di ba? Di bale na lang kung sobrang kapal na ng mukha niya para aminin pa sa harap ng madlang Pilipinas na pinatay or pinapatay niya ang 57 katao sa Maguindanao. Pero sa ngayon pa lang, makapal na rin talaga ang mukha niya.

Sa tingin ko, sobrang relax ang mukha ni Ampatuan Jr sa pagpunta niya sa hearing sa senado. Parang sobrang confident siya na hind mapapatunayan ng korte na nagkasala siya. Ngumingisi lang, cool na cool parang si Big Utol siguro kung narining ko siyang magsalita. Kung ako ang kriminal, matatakot na ako sa ganong sitwasyon. Kailangan ko pa ng bullet proof vest para lang makalabas sa kulungan, kailangan ko ng police escort dahil maraming gustong pumatay sa akin dahil sa ginawa kong kagaguhan, kailangan ko pa ng espesyal na “court” para lang sa hearing, pero hindi si Ampatuan. Sa mukha ni Amptuan, wala siyang takot, walang konsensiya. Parang May Bukas Pa ang drama, hindi siya nawawalan ng pag-asa na tutulungan siya ni Bro este ng administrasyon. Kaloka!

May karapatan rin naman si Ampatuan sa due process para mapatunayan na siya nga ang nagkasala. Pero minsan naisip ko, kailangan pa niya ang karapatang iyon? Sa totoo lang hindi pa naman napapatunayan na may sala siya, pero all the witnesses and evidence points to him. Para sa akin, wala rin naman duda na siya ang may sala or ng angkan kasi hindi rin naman niya makakayang gawin yun na siyang lang ang may utak. Ganun siguro ang nagagawa ng ganid sa pera at kapangyarihan.

NOT GUILTY! Iyan rin kaya ang hatol ng bayan sa kanya.

PS. Lagi rin nating naririnig sa mga news lately tungkol sa VIP treatment sa mga akusado ng Maguindanao massacre, what do you expect kapag celebrity or big time ang nakakulong? Xempre may TV pa yan, yung iba nga may aircon pa, malambot na kutson at masarap na pagkain. Kawawa naman yung mga maliliit na kriminal tulad ng nagnakaw ng mansanas sa Divisoria dahil sa mapanghing preso nakakulong, sa papag natutulog at pagkaing di masarap ang pampalipas ng gutom sa araw-araw.

At nagrereklamo pa sila sa mahirap na kalagayan nila sa kulungan. Mahirap ang hindi sanay sa buhay mahirap.

Sana mahatulan talaga ang may sala. Sana magkaroon ang hustiya ang mga biktima ng maguindanao massacre. SANA…kahit regalo na lang ni PGMA bago siya bumaba sa Palasyo.

For other references:

http://www.gmanews.tv/story/180812/jim-paredes-daughter-provides-snapshots-of-andal-arraignment

http://alaillustration.com

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100105-245611/Ampatuan-pleads-not-guilty-to-41-counts-of-murder

http://news.bbc.co.uk/2/hi/8440592.stm

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=538281&publicationSubCategoryId=63