Give one reason, just one good reason why I should vote for Noynoy Aquino

After watching Noynoy’s newest advertisement aka his covenant to the Filipino people, I’ve been really thinking hard about why I should vote for Noynoy in the first place.

Simula noong ideklara ni Noynoy ang pagnanais niyang maging presidente ng Pilipinas lagi kong naririnig or baka naman hindi rin lamang niya maialis ang mga katagang “aking mga magulang” at “taong bayan na nais siyang tumakbo/gusto ng pagbabago/ayaw sa tiwali at kasalukuyang gobyerno”. Pinapakita lang ni Noynoy ang kanyang pagiging dependent sa kanyang mga magulang na nagbalik di umano ng demokrasya ng bansa mula sa kamay ng mga Marcos. Isipin natin to…ng mabuti…IBOBOTO PA BA NATIN SI NOYNOY KUNG HINDI SIYA ANAK NI CORY AT NINOY? Definitely, HINDI. Hindi kasi kung hindi siya anak ni Ninoy, hindi natin siya makikilala. Kung hindi siya anak ni Cory, na kamamatay lamang noon ay hindi hihingi ang bulag na taong bayan na tumakbo siya bilang presidente. HINDI for one simple reason, ano na ba ang nagawa ni Noynoy para sa bayan? May naipasa na ba siyang batas? WALA. Hindi natin siya iboboto kasi wala pa siyang nagagawa bilang congressman at bilang senador.

In the first place, tanungin natin ang mga sarili natin bakit tayo boboto sa taong wala pa naman nagagawa kundi maging anak lamang ng dalawang modernong bayani na lumaban para demokrasya ng Pilipinas, namatay, naging presidente at pagkatapos nun ay wala? Ano nga ba ang nagawa ni Cory maliban sa ginampanan niyang tungkulin sa EDSA?

For me Noynoy has proven us nothing. NOT A THING.

So now give me one good reason, just one and please don’t answer:

a. because he’s not corrupt

b. he is honest

c. he has integrity

d. he was raised by good parents therefore he will be good

CRAP!!!

Kung gusto natin ng pagbabago, hindi natin pwedeng sundan ang footsteps ng mga magulang ni Noynoy, kasi kung ganun at ganun lang din ang gagawin natin, para tayong hamster na napapagod sa hamster wheel hindi naman nakakaalis sa pwesto. If we walk in another ones footsteps we can’t overtake.

Isipin natin mas marami ba ang nakakain ng masaganang pagkain sa hapag noong sila ang nanungkulan? Konti na lang ba ang nagsasabi na mahirap sila? Nabigyan ba ang mga magsasaka ng sariling lupain? Ilang estudyate ba ang nabigyan ng scholarship? Ilang libo ba ang namatay sa dengue, pneumonia at TB dahil mahal ang gamot? Ilang baha, landslide ba ang nangyari dahil kalbo na ang kagubatan? Ito ba natugunan ng mga nagdaang pangulo ng Pilipinas? HINDI. At alam ko hindi rin ito magagawa LAHAT ng susunod na pangulo for the next six years, but as citizens what can we do to lessen these problems? Let’s vote for someone who has proven us that WE as ONE country can change. We can’t be dependent on our leaders and same is true our leaders can’t depend solely on us. For us to succeed, let’s start using the word WE and forget pointing fingers to YOU and I.

So I will ask once again, is Noynoy Aquino worth my vote??

Photo courtesy of:http://www.odec.ca/projects/2005/simm5b0/public_html/first_content.html

Just Me. For Now.

Katt

Some interesting blogs that might help us decide. First in line is my personal favorite.:)

http://mdgamboa.wordpress.com/2009/10/13/beyond-the-amber-ribbons/

http://luisitamagsasaka.wordpress.com/2010/01/04/the-sad-truth-about-noynoy-aquino/#comment-12

http://gkphilippines.wordpress.com/2010/01/07/interesting-information-on-noynoy-aquino/

http://paradoxicleyline.wordpress.com/2009/08/30/noynoy-aquino-should-prove-himself-to-the-people-not-vice-versa/

http://northernwatchonline.com/2009/11/10/noynoy-aquino-lacks-political-savvy/

http://tishmartinez.wordpress.com/2009/09/06/never-mind-hate-mail-5-reasons-why-i-wont-be-voting-for-noynoy-aquino/

http://artivista.wordpress.com/2009/09/15/noynoy-aquino-what-change-will-you-bring/

http://balatucan.wordpress.com/2010/01/03/incompetent-noynoy/