The PBB Big Winner!

Unang-una hindi ko alam kung bakit sa maliit na venue ginanap ang Big Night, nagmukha tuloy prom night lang ng isang public school sa laki. Siguro dahil gusto lang nila sa NINOY AQUINO stadium dahil malapit na ang eleksyon. Pwede naman sa Araneta Coliseum or mas marami pang ibang venue na mas maraming ma-accommodate na tao.

Pangalawa, pangit ang lighting at sound system. Sobrang daming yellow lights. Yung mga ibang hosts tulad ni Cass hindi naririnig.

Pangatlo, ang POLL na ito ang nagpapatunay na hindi pa rin marunong ang mga Pilipino na bumoto para sa nararapat.

Of course may mga kanya-kanya tayong mga bet na big winner pero kadalasana ang nangyayari binoboto natin ang mga taong popular. Gusto ko si Melai. Masayahin, palabiro at mapagmahal. Kaya siguro sumikat ang MELASON dahil sa makamasa ang dating at parang nagbibigay pag-asa sa mga kababaihan na kahit anu ka pa, may tao ring magmamahal sa iyo ng tunay. Hindi ako kumokontra sa mga bumoto kay Melai pero ano kaya ang unang dahilan kung bakit binoto nila si Melai? Kasi sikat siya di ba? Dati, tinanong si Mariel (yung housemate) kung sino ang gusto niyang manalo ang sabi niya si Melai kasi raw siya ang gusto ng mga tao. Balikan natin ang tema ng BIG BROTHER. Di ba ito yung show na may tagline na, “Ang teleserye ng totoong buhay” in short pagiging TOTOO sa harap ng Pilipinas at ng buong mundo. Isipin natin naging totoo ba si Melai noong resbak attack? Sa tingin ko hindi. MAs bumilib ako kay Mariel at Paul Jake na ipinaglaban ang tower of dominoes kahit pa isipin na masama sila. Yun siguro ang TUNAY na Pilipino hindi sumusuko sa panahon na sinusubok tayo.:) Pero siyempre ginawa rin naman ni MElai yun, hindi lang siguro sapat para sa akin. LOVE ko pa rin ang MELASON kahit hindi si Melai ang big winner ko.:)

To PAUL JAKE ikaw pa rin ang big winner ko. Para sa akin hindi dahilan ang pagiging mayaman para hindi ka maging big winner. Deserve mo ang titulo dahil pinakita mo na mayabang ka talaga eh pero behind that mayabang at mahilig mang-asar na ugali is a good leader, a man of strength and courage. Kung sana para sa mahihirap lang ang PBB ginawa na lang sa POOR BIG BROTHER ang teleserye ng buhay mahirap. di ba?

you're my big winner!

Its gonna make sense by Michael Learns to Rock

Just Me. For Now.

Katt