After twenty four long years

Dalampu’t apat na taon pagkatapos ng EDSA Revolution may nagbago na ba sa Pilipinas? Nakamit na ba natin ang tinatawag nating demokrasya? Maunlad na ba ang Pilipinas? Wala na bang kurapsyon, human rights violation, ill-gotten wealth, rebelyon, etc? Pagkatapos ng EDSA, anu na mga kababayan?

Mula noong bata pa ako hanggang ngayon laging kinukwento ng tatay at nanay ang tungkol sa EDSA. Buntis noon ang nanay ko sa akin, 8 mos (after 30 pinanganak ako) at sa mga araw na iyon laging nagpapaalam ang tatay ko na pumunta sa EDSA at tumulong pero dahil magulo (okay, bloodless na kung bloodless pero magulo pa rin) hindi siya pumunta dahil baka mapahamak lang siya at mamatay siya bago pa man ako isilang. Buti na lang hindi siya pumunta, kahit sabihin nating wala namang namatay sa rebolusyon pero if it turned out wrong and the soldiers would have decided to defend Marcos it would have caused many lives.

The EDSA revolution is a part of history no one will ever forget (I guess). It’s taught in Philippine History from grade school up until college. Our teachers have provided us the facts we need thru what is written in the books (biased or not). The common knowledge that the EDSA revolt came to life is because the Filipino people want the freedom back in their hands from the ruthless dictator. Given the facts, have we analyzed why was there such EDSA revolution?  Why did we had a dictator for a leader? Why we chose a housewife to lead us rather than some other person or politician Why we are still considered a developing country when instead we could’ve been better than Japan or Singapore? Too many WHYs for people who keep on asking, analyzing, thinking. I think Gloc9 is one of the people fond of thinking and analyzing situations. Here’s his video. Think its intended for GMA? or for all of US?

Pebrero ng taong 1986 noon. Ilang libong or milyong tao ang pumunta sa EDSA (kung si Erap ang siguro ay nandun may libreng chicken value meal with upsized soda galing sa Jollibee) dahil sa panawagan ng mga iba’t ibang lider kasama si Cardinal Sin na magkaisa ang mga Pilipino para mapatalsik sa pwesto ang diktador and with the promise to restore democracy and improve the country’s condition. Ilang araw rin silang nasa EDSA, nagdasal, humarang sa mga tangke ng militar at nagbunga rin naman ang katapangan ng sambayanang Pilipino dahil sa bumaba rin sa pwesto si Marcos at lumipad patungong Hawaii. Pero pagkatapos ng People Power ano na ba ang nangyari sa mahal nating Pilipinas? Naibalik ba natin ang demokrasya? Nakamtan ba natin ang kalayaan mula sa kamay ni Marcos? OO, nakamtan natin ang kalayaan mula sa kamay ni Marcos pero naging malaya ba tayo sa mga banyaga? sa imperyalismo? sa mga trapong pulitiko? Kumakain na ba ang karamihan sa atin ng tatlong beses isang araw? Kapag nagkakasakit ba tayo may mura na bang gamot na pwedeng bilhin ng mga mahihirap? Naibigay na ba sa mga magsasaka ang lupang ipinangako sa kanila? Wala na bang kurapsyon sa Palasyo? Maganda na ba ang mga daan sa probinsya? May trabaho na ba ang mga naghahanap ng trabaho? Hindi na ba tayo dinidiktahan ng America? Kabilang na ba tayo sa mga world class na bansa? May maipagmamalaki na ba tayo maliban kay Arnel Pineda, Charice Pempengco at Manny Pacquiao? Maraming mga tanong? Saan tayo nagkulang? Saan na ang diwa ng EDSA? ng PEOPLE POWER? Saan ang mga pangako or kasama ba itong lumipad ng lumisan ang mga Marcos?

Twenty four years after the EDSA People Power Revolution and here we are still considered a third world country and on the top for most corrupt countries. A greater number of Filipinos are still not eating three meals a day, with a daily wage not even enough to buy a decent meal, 12% tax and God know where they put it, lack of health care education to the masses, small number of employment opportunities, population explosion, an AIDS epidemic, a long line of crappy politicians vying for the highest position, massacres unsolved, fugitives roaming in and out of the country, same old war in Mindanao, the current El Nino problems with the dams drying up, fishes dying, and many others. What has the government post-Marcos regime done to improve the Philippines? Of course there have been improvement in the NLEX, SLEX, SCTEX, EDSA flyovers, C5,  MRT, LRT2, footbridges, cheaper medicines, better tourist destinations. Of course we have Efren Penaflorida, the Philippine boxers (who I think are over exposed because of ABSCBN, heck even Nanay Dionesia’s house is now a tourist spot in GenSan what a worthy news!), the Philippine islands itself and the hospitality of the Pinoys is something to be proud of, but behind all these we haven’t cured the root cause of this ailing country. WE keep on blaming one administration to another. WE ousted Marcos, then ERAP and several attempts on GMA. WE blame the leaders so much that we forget about our own misdeeds. WE blame it on their corruption, why? do you honestly think you haven’t done any form of corruption in your life? PHILIPPINES is what it is today because of US. ALL OF US. So please stop blaming it on the past. The past may have contributed to what we are today but this is the PRESENT and WE have to make it better for the FUTURE. WE cannot dwell on the past every time we think the current administration is not doing their job. WE stop blaming others and should start blaming ourselves rather. Twenty four years later and nothing has changed because what we have been doing is pointing our fingers to the government all those years.

So today as we celebrate the People Power revolution, let us, the PEOPLE stop blaming and start making this country progressive. Stop the politics. Stop the paint-Araneta-yellow-thing. Stop the iaahon-ko-kayo-sa-kahirapan. Stop the sipag-at-tiyaga. Stop the hindi-ako-magnanakaw-ad. STOP IT! Stop blaming and we the people should start being optimistic that this country has a lot to offer and we can’t put it all in the hands of the next president. As citizens of this country we are bound to HELP our leaders for US to be WORLD CLASS. Let us celebrate this very day by changing not just blaming.

And so I will share with you one of my favorite music videos. Think about it,If they can why can’t WE?

Just Me.For Now.

Katt