Presidentiables, Politics, Promises and the Philippines

Random thoughts…random since my brain cells keep on firing and I can’t help but think of a lot of topics.

1. Sa tingin ko dalawa lang naman ang sinasabi ng kandidato kapag nangagampanya sila.

A. Mahirap ako at lumaki sa Tondo

B. Labanan natin ang corruption

2. Memorize ko na lahat ng commercial ni Villar at sa dami minsan gusto ko ng basagin ang TV namin. Nakakarindi! Lahat na yata ng uri ng komersiyal meron na siya! San kaya galing ang pera niya? Sa real estate business or kasama na rin yung nakurakot sa C5 road.

ang cute ni chacha! pero ayaw niya tumira sa tondo, camella homes ang gusto niya!

3. Hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng mga batas na naipasa ni Noynoy para masabi na may ginawa naman siya.

“In his nine years at the Lower House, Noynoy focused on the fiscalizing role of a legislator. He felt that there were already too many laws, and good ones at that, but they seemingly lacked proper implementation. He concentrated on crafting laws that would help create opportunity rather than impose additional burdens to those who are already disadvantaged. He actively took part in budget deliberations to ensure that government initiatives do address the plight of the people who need help the most.” -noypipol.wordpress

problemado noy sa statistical tie...baka binili lang ulit yun sa quiapo

Where are the crafted laws? Does anyone know a link I can visit?

4. Bakit ang mga Pilipino lagi na lang “big deal” sa kanila ang survey?Ano ba ang naitutulong ng survey at parang nagkakairingan si Noy at Manny kapag malapit ang puntos nila sa isa’t isa. Statistical tie na nga raw sila eh. Ilan ba ang respondents sa survey compared sa voting population ng Pilipinas. OH! You’re ruining statistics! Feeling ko nga hindi lang two percent ang margin of error sa mga survey na ginagawa nila. (anyway, wala pala ako karapatan magreklamo dahil hindi naman ako statistician.:))

5. Nakakatuwa ang mga other forms of “survey”. Napanood ko lang nung isang araw ang gimik ng isang fruit shake stand (kung saan favorite ko ang kanilang green mango, pineapple orange, mango banana at watermelon) kung saan ilalagay yung shake mo sa cup ng preferred or iboboto mong presidentiable. Pero bakit parang apat lang na presidentiable ang meron(Aquino, Villar, Teodoro, Estrada), apat lang ba ang tumatakbo sa pagkapresidente. Paano kung piliin ko ang yellow dahil favorite ko ang yellow pero hindi ko naman iboboto si Noynoy? Dagdagan ang cups! Paano kung wala sa apat na yan ang iboboto ko? Dagdag pa ng pinsan ko, “Ate, hindi naman totoo yun. Nung nag-order ako sa *** cup nilagay. Na-try ko na nga rin si *** at*** eh.” Now, this is what we call survey.lol Very entertaining and reliable.

Asan ang red cup ni Gordon??Asan?hehe

kahit sa 7 eleven kulang rin.

6. Ang init ng panahon. Ang taas ng bill ko sa kuryente!!! Pero hindi ko mapigilang hindi gumamit ng aircon kasi feeling ko maluluto na ako sa init!  Nakakatuwa lang, mga pinsan ko NJ nagrereklamo sa kapal ng snow, mga kaibigan ko sa London at Japan nagrereklamo sa rin sa lamig, lahat sila nagdadasal na sana tumaas naman ang temperatura sa bayan nila pero tayo nangangarap na sana lumamig at umulan dito sa atin dahil baka wala na tayong makain at mainom sa mga susunod. Funny, people are never satisfied, I guess its human nature.:)

Dirty Ice Cream na lang tau! Salamat kay mamang sorbetero!

Just Me. For Now.

Katt

*PS Thank God for the rain. Lord, please lakasan mo naman, kahit ngayong araw lang.hehe

Fruitas Presidential Cup photo courtesy of:http://www.lalaineski.com/2010/02/21/presidentiables-in-frutas-cups/

If you own the photos above kindly tell me so I can give credit.:)