Now That It’s All Said And Done

Ilang araw matapos ang automated na eleksyon sa wakas meron na tayong bagong presidente. Hindi pa rin nagko-concede si Erap dahil umaasa pa siyang mananalo, naku naman obvious masyado ang dami ng agwat sa boto. Hindi man nanalo ang binoto kong presidente at bise presidente masaya pa rin ako at naranasan kong pumili ng lider at sabi nga ng Manila Bulletin pwedeng-pwede na akong magreklamo lalo na kapag hindi mawala ng corruption at hindi naging progresibo ang Pilipinas in the next 6 years.lol I’d like everyone to know that I still believe in this man—>RICHARD GORDON! and he will always be my president!

Pero hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para kay Mar Roxas. Awa o tuwa? Sa sobrang gitgitan ng labanan hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Yan ang tinatawag na fighting spirit.lol Parang natatawa na lang ako para sa kanya ngayon. Kasi naman hindi pa siya nananalo, hindi pa nag-uumpisa ang eleksyon to the highest level na confidence niya na mananalo siya.

Eh mukhang baligtad ang nangyari. Naman! Ang galing ni Chiz Escudero sa pangungumbinsi ng madlang people na dapat and presidente may B. Malakas pa rin talaga ang hakot ni Chiz kahit hindi siya tumakbo bilang presidente. Para talagang pinagsakluban ng langit at lupa si Mar. Una, pinaubaya niya ang pagtakbo bilang presidente para kay Noy. Pangalawa, hindi na sobrang bongga ang kasal (malamang sobrang lungkot din ni Korina, kasi naman hindi na siya first lady, hindi pa natupad ang kasal na gusto niya) at parang family dinner na lang sa kanilang ancestral home. At sa dami ng gastos niya, ilang ibong boto na lang sana BISE na siya. Sobrang sakit nun tol! Akalain mong pati sa commercial eh tinatawag na siyang VICE. Naka-set na puso at isip niyang SIYA na ang bise pero tignan mo nga naman ang kapalaran. Although hindi pa naman din sinasabi na panalo na si Binay kaya malamang may pag-asa pa siya. Isip na lang mabuti ang mga kasamahan niya kung paano malalamangan si Binay. Baka mag-hello Garci din yan.lol

Anyway, local politics naman. Apat na Marcos ang tumakbo sa Ilocos including Bong-Bong for senator, bale lima kung isasama si Gov.Keon na pinsan at kalaban ni Imee sa gubernatorial position. Landslide victory lahat. Sa tingin ko hindi niyo pa rin kami masisising mga Ilokano kung iboboto at mahal na mahal pa rin namin ang mga Marcos kasi hindi rin naman kami iniwan ng mga Marcos. Sabi ko nga I still believe that Ferdinand Marcos Sr. is still the greatest Philippine president. Long term an projects, talagang may vision. Kaya nga siguro galit na galit ang pinsan ko sa sinabi di umano ni NoyNoy na hindi niya kailangan ang boto ng mga Ilokano. Although, hindi ko alam kung san niya nakuha ito. Oh di ba hindi naman siya masyadong bitter?!lol

Ang problema lang kasi sa ibang mga Pilipino, ginagawa nilang totality ng term niya ang pagiging diktador. Yes, he was a dictator. Yes, there were human rights abuse and massive corruption but behind all those mistakes are we willing to forgive and start all over? Hindi pwedeng palagi na lang natin iisipin ang maling ginawa nila, isipin rin natin yung mga maganda dahil MARAMI din naman yun compared sa mga nagawa ng sumunod na administrasyon! Kailangan ng ibaon sa limot ang nakaraan, sabi nga ng chairman ng PCGG kung mag-compromise lang talaga ang Marcoses and the victims during Martial Law or the government itself, matagal na sanang nagamit ang mga “ill-gotten” wealth para sa mga Pilipinong nagugutom, nagkakasakit, hindi makapag-aral at walang trabaho. FORGIVENESS lang yan! Ang iba kasi gusto pang gumanti.

Look at Ilocos today, mas progressive compared to Tarlac na baluarte ng mga Aquino (Chos! Gusto ko lang silang i-compare.) There are a lot of changes, roads, infrastructure, jobs, etc. Maganda ang Ilocos, sana patuloy nilang pagandahin at palaguin—>halaman?!

Tuloy-tuloy ang asenso

Sabi ng barkada kong engineer, the Bangui windmills can withstand a magnitude 9 or 10 earthquake and tsunamis. Wala lang share ko lang.hehe

I’d like to congratulate everyone who exercised their right to suffrage. Together we stand, divided we fall. Go Philippines! Mabuhay tayong lahat!

(Photo Credits: Louie Bryan Mirafuentes Lapat for the Mar Roxas Photo and antipinoy.com for Dick Gordon photo)

Just Me. For Now.

Katt