Stressed ka teh? Wag mo kami idamay, masaya kami dito!

Yan ang linyang gustong gusto kong sabihin kay Bianca ngayon. Stressed ka teh? Wag mo kami idamay, kung gusto mo ma-stress sarilinin mo.

Si Bianca lang naman ang pinakamamahal na girlfriend ng aming kabarkada. Ewan ko ba kung anong nakita at niligawan or kung ano ang pinakain at hindi siya maiwan. Hindi ko naman hinihiling na maghiwalay sila, pero ayoko lang talaga sa kanya. Sabihin na nating ayaw ko sa kanya dahil may attitude problem siya.

Una sa lahat, pati kami pinagseselosan pa rin hanggang ngayon. Limang taon na sila sa lagay na yan ha, hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap na mas nauna kami sa buhay ni J. Naman! Friendship since highschool tapos kayo nag-meet lang nung college, beat that mare! Kahit anong gawin mo, kahit ipagbawal mo pa yan oras-oras na maki-bonding siya sa amin wala ka ng magagawa kung sumama na siya. Masaya naman kami kasama ah, ikaw lang ang kill joy. Duh?! Bianca, sa totoo lang hindi mo na dapat kami pinagseselosan. Hindi mo na rin kailangan tawagan si J kada oras para malaman kung nasaan siya, kasama niya kami at hindi kami nangangagat. Hindi mo na rin kailangan mag-post ng kung anu-ano sa Facebook at sabihing stress ka kay KC dahil ayaw ka niyang tantanan. Haler? Nasa ibang bansa na kami, malayo sa inyo tapos si KC pinagbubuntunan mo pa rin ng galit? Insecure ka pa rin ba dahil naging sila muna ni J bago naging kayo? At malamang sila pa rin hanggang ngayon kung hindi ka lang dumating sa buhay ni J? Duh?! Move on na girl 2010 na.:))

Pangalawa, hindi ka kasi marunong makisama. Naalala mo first time mo kaming ma-meet, wala kang kibo walang imik. Ok fine palampasin natin kasi first time. Yung pagkain na inaabot sa ‘yo ayaw mong kainin, kinakausap ka para kang pipi at bingi. Ok fine palampasin natin kasi first time. Kasi hindi rin naman tayo pwedeng mag-feeling close agad di ba? Pero isipin mo ha, sa lahat ng outing ng barkada na nandun ka, ni minsan hindi mo ako kinausap. Yes, kahit sobrang effort na kami na mag-reach out sa ‘yo parang ayaw mo lang din, so ano magagawa namin? Wala. Siguro I won’t forget the day I had my despedida with my friends in Aileen’s house. Pumunta pa talaga ako sa apartment niyo para invite kayo for the munting salo-salo but then pagpunta ko dun si J lang ang kumausap sa akin at para lang akong multo na dumaan sa sala. Sabi ko pa nga, “Bianx, punta kayo kina Ai mamaya” naman teh! walang reply tingin lang sa TV at nakipagchikahan kay Aileen. Anyways, its not even my loss. Masaya kahit wala ka.LOL

Pangatlo, masyadong makitid ang utak mo at kailangan mo nang matuto ng gawaing bahay. I can’t imagine J’s life in the next five years or so at siya ang taga-laba ng panty mo. Damn! Kahit magluto si J pa rin. Anu yun nag-asawa ka para magkaroon ng katulong. Hindi porke’t mas mataas ang sweldo mo ganun ang trato, you must at least exert an effort to do things voluntarily without being told.

So ngayon ate kung stressed ka dahil sa amin, may padrama-drama ka pang hindi ka lang nagsasalita at mapupuno ka rin, naku ilabas mo ang galit na yan! Harapin mo kami at ng makita mo ang ugali namin kung pare-pareho tayong stressed. Kami rin kaya pinipigilan naming magsalita, kasi naman baka di ka na makabanat ng “May u rest in peace”.

Mabuti pa ang Reese at Kinder Bueno pinapasaya ang buhay ko. Stressed ka rin ba? Ako hindi na, natapos ko na ang love letter ko sa babaitang ito eh.

Just Me.For Now.

Katt