Riyadh Nurse Chronicles:Ang Malupit na Day One

Hindi ko alam kung anu bang meron sa akin at lapitin ako ng mga taong sadyang malupit. Dahil sa sinabi ni Jenny kanina hindi na naman ako makatulog. Iniisip ko na naman kung ano ang mangyayari bukas sa endorsement. Iniisip ko na naman kung ano ang sasabihin ni Swapna at Smitha sa akin, malamang katakot-takot na grrr-grrr na naman ang aabutin ko habang sinasabihan ako ng  “I will kill you.” Every Indian nurse wants to kill me, I’m dead a lot times and every time I get up on my feet and resurrect they try to bring you down again. Of course, not every one is mean but not every one is nice too.

Hindi ko talaga makalimutan ang unang araw na nag-endorse ako ng pasyente. Unang araw yun na nakatanggap ako ng katakot-takot na grrr-grrr at unang beses na umiyak ako sa gabi, namiss ang pamilya ko, si Michael at unang beses kong maramdaman na wala akong kakampi dito at kung meron man hindi ko mayakap si Shane (Lalaki yan, pambabae lang ang pangalan). Naramdaman ko sa araw na iyon na gusto ko ng umuwi pero naisip ko na hindi ako pumunta dito para i-please ang lahat ng tao. Hindi lahat ng tao magugustuhan ako at ganito lang din yan, hindi lahat ng tao gusto ko.Bwahaha (Kailangan witch laugh talaga!) May mga taong ayaw ko talagang makasama, alam mo yung feeling na nakikita mo pa lang siya pagdating mo ng ICU eh parang gusto mo nang matapos ang dose oras mong duty. Napakalupit ng unang araw na yun pero marami akong natutunan tulad ng:

a.Kailangan ko na talagang bumili ng penlight. (Pero dahil hindi ako basta-basta makalabas wala pa rin akong nabibili hanggang ngayon.Ayoko rin humiram ke Swappy, mataas pride ko!hehe)

b.Hindi kailangang Q1 ang pag-assess ng pupils. (Hindi ko alam kung bakit hindi pwede, eh “This is ICU anything can happen.” *ginaya ko lang din si Swapna sa expression niya*)

c.Huwag ka ng mangatwiran, mali ka. (Siya ang tama. Maniwala sa senior kahit masakit sa loob mo.lol)

d.Ngumiti ka lang kahit rinding-rindi ka na sa boses at pangit niyang pagmumukha. (Nakakatanggal ng stress ang ngiti.)

e.Kalimutan mo ang unang araw na ito. (Pero wag mong kakalimutan ang mga leksyon na naidulot ng malupit na unang araw.)

May mga tao talaga na sadyang pinagmamayabang ang seniority nila. May mga tao na akala mo hindi nakaranas ng first time. May mga tao na akala mo eh magaling na agad sa propesyon nila. Maraming taong ganun. Hindi ko lang maintindihan, sadyang ganun ba sila o naranasan rin nilang maapi ng mga senior nila dati kaya ginagawa rin sa aming mga baguhan?

Mabait ako kung sa mabait. Hindi ko ugaling pahiyain ka sa harap ng ibang tao. Kahit siguro magtanong ka sa mga juniors ko. Hindi naman siguro ako laging pipiliing maging leader at officer sa school kung hindi ko kaya. Hindi siguro ako pipiliin na Best Nurse ng Pedia Chief Resident kung hindi ko deserve and title. Hindi rin siguro ako sasabihan ng “Bumalik na kayo dito. Wala talagang katulad ang batch niyo.” mula sa mga kapwa nurses if we don’t excel in our work.

Bilang mga baguhan gusto namin ng mga senior na mag-encourage sa amin, yung tutulungan kami sa trabaho hindi yung bawat pagkakamali mo e nakikita nila pero yung mga magandang ginawa mo eh kinakalimutan agad.Gusto namin ng senior na tutulong sa amin para maka-adjust na bagong sistema, bagong bansa, iba’t ibang lahi ng pasyente atbp. hindi yung nasa probationary period pa lang eh pinapahina niyo na ang loob namin.

The problem is, we look after you, and if you act this way, why would I even look after you? I wouldn’t want you to be my model. I wouldn’t want my future junior nurses to suffer what I did in your hands. I wouldn’t want to be like you.

Nailabas ko na ang sama ng loob ko. Sana makatulog na ako. Shada.

Just Me.For Now.

Katt