Of brotherhood, chocolates and perverts?

Nakikisama ang internet ko ngayon. Himala at nakakapagpost na ako sa WP. Pero ang keyboard ko ay tinotopak pa rin, ganito ba talaga ang problema ng Toshiba? Palitan na lng ang laptop oh! (Saka na pag marami na akong pera, lecheng deduction lang, kung di lang ako nahiya sa mama ko eh binayaran ko na yan sa Pinas bago pa ako umalis. Hmmp)

1

Anyway, inaantay ko si Jet ngayon para ibigay yung rice cooker ko (at dapat may kasamang ulam.wahaha) Si Jet ay kasamahan ko sa work. Nurse din siya. In love siya ngayon pero hindi ko alam kung kanino.haha Pero kukulitin ko mamaya pag dinaan niya yung pang dinner ko. Dati si Jet ang favorite ko sa mga senior ko (senior ko siya kasi nauna siya sa akin ng isang buwan), pero ngayon kung work ang pag-uusapan si Shane ang ka-tropa ko talaga. Lalaki yun, pangbabae lang ang name.;) Anyway favorite ko pa naman si Jet, kasi gusto ko siya mag-endorse super kumpleto tapos sobrang organized, lagi rin ako tinuturuan nun dati nung bago bago pa ako hanggang ngayon pa rin naman pag marami akong tanong, super sagot pa rin ang lolo. Jet, ang tagal mo. Manonood pa ako ng Supernatural ngayon, dali!

2

Si Shane at KC na.hihihi Bakit ako na lang ang walang boyfriend?nyahaha Ayoko po talaga sa mga nakapila, pwede sa iba na lang?

3

Namimiss ko si Jen. Kausap ko lang kahapon pero hindi kasi nakapagkwentuhan kaya namimiss kong tumawa at mang-okray! Kaso tulog pa siya, bwisit kasi na Swapna yan, tinawagan pa eh 2am na nga tapos cardiac case naman ang patient, hindi naman toxic. Kalerkey! Personalan talaga pagdating sa mga “Pana”! simula nung nakapasa kami ng Saudi Council.

4

Nung isang araw binigyan ako ng pasyente ko ng chocolates! Isang box ng Jewels. Sa groceries 30 to 40 riyals yun, buti na lang di ako bumili. Salamat ng marami David. Pero eto ang masaklap, nagshare na ako kay Joi, Donna, Ate Milet at Jen tapos the rest dinala ko sa ICU kahapon. Sabi ko sa Pana, “Get some! That’s a hadiya (gift) from the patient.” Pagbalik ko sa pantry, Kalas! Ubos ang chocolates! waaaah! Di ko pa nabigyan yung ibang Pinoy tapos ubos na.:(

5

May something talaga si Haresh (yung isang pana). Nakwento ko na ba dati nung pumunta ako ng ICU at off ako kasi sana magpapaconsult ako sa ER. “Why are you here?” tanong niya. “I’m going to the ER. I have fever. Can you check?” sabi ko. Tapos ang ginawa te, nagcheck hindi sa noo kundi sa dibdib ko! WAAAAAAH! Naloka ang lola mo! Sabay atras tapos halatang guilty ang lolo mo, pero hindi ko na pinansin. Kung sina Jet or Shane keri lang, kasi sanay ako sa kapilyuhan ng mga yun. Pero grabe! Imagina Indian yun, conservative kuno tapos sa dibdib magcheck ng harara (fever)! Simpleng manyak talaga mga to! May nalalaman pa kayong “In our custom we only have one habibi, in yours why do you have so many?” DUH!

Anyway tinulungan ako ni Haresh na mag-jamby (mag-turn/positioning) ng patient ko. Tapos the next hour, si Merly nagvolunteer na tulungan ako pero mag CR daw muna siya. So sabi ko OK. Tapos umepal si Haresh, “Yalla! Kat let’s turn baba (daddy, baba, usually ang tawag namin sa old/middle age men. note: walang P ang alphabet ng Arabic kaya P is substituted by B). “Its okay Merly will help me. She just went to the WC.” ang sagot ko. “No let’s go now, why are you afraid of me?”WAAHHHAHA YES I AM! Ang sarap sabihin na YES! YES! YES!

Yun lang…Ang tagal ni Jet. Hinahanap na ng roommate ko ang rice cooker.:( Mukhang galit.haha Sige na bibili na ako ng sariling rice cooker sa sweldo. Malapit na pala ang sweldo!yehey!

Just Me. For Now.

Katt