The ICU-CCU Family

On call ako ngayon. Pero dahil halos isang linggo na akong walang pasok dahil naka-sick leave ako ng dalawang araw, day off ng dalawang araw at request off ng isang araw, naubusan na ako ng gagawin. Natapos ko na ang tatlong season ng How I Met Your Mother. Napanood ko na ang latest episodes ng Nikita, Grey’s Anatomy, GLEE at The Vampire Diaries. Nalabhan ko na rin lahat ng bedsheet, pillow case at comforter ko. Kumain na rin ako ng breakfast at snack habang nakikinig ng Monster Radio. Wala na talaga ako gagawin kundi magsulat habang hinihintay mag-upload ang mga videos para may papanoorin ako mamaya. (First paragraph written two days ago. May topak ang WP.)

Dahil wala rin akong maisip na topic at bigla ko lang napagtripan i-open ang camera ko, nakita ko ang mga pics namin ng aking ICU family. For the last 5 or so months hindi ko pa sila naipapakilala. Charot! May ganun teh? Anyway introducing the ICU-CCU staff.;)

Mr. Russel Pizarro, ICU-CCU Nurse Manager (soon to be assistant director of nursing)

Yan si Sir Russel, Ilokano kaya hindi mahirap pakisamahan. Maraming nagseselos at galit sa akin dahil ako daw ang peyborit niya, pero hindi totoo yun nasa charms lang yan pag humihingi ka ng pabor!chos! Trivia:Favorite ni bossing ang papaitan, tumataba na siya at kung may lakad magtatawag lang siya 2 to 4 hours beforehand kaya dapat nakaready na ang pangswimming! Favorite din niya ang kantang Lady in Red.

Miss Luna Mesa-Baldo, ICU-CCU Clinical Facilitator

Ito si Ate Luna. Dati nung bago pa ako Ma’am tawag ko sa kanya. Pero dahil halos lahat ng ka-age ko eh Ate Luna or Luna lang tawag, ayun naki-uso na rin ako. Siya ang clinical facilitato (or preceptor) ng ICU, Medical at Oncology Unit. Lagi niyang sasabihan ng don’t forget to do your handwashing before and after entering the patient’s room. Dahil sa kanya sobrang dry na ang kamay at the same healthy pa dahil wala ng germs.charot!

Shane sa pantry

Si Shane yan. Siya siguro ang pinakaclose sa akin sa mga boys kasi ayon sa kanya pareho kaming childish, toxic at tawa lang ng tawa. Babaero si kuya,wahaha, halata naman pero hindi na ako magkwento pa tungkol sa buhay niya. Si Shane at Jenny ang una kong nakasama sa work. At alam mo kung ano ang unang tanong sa akin, “Virgin ka pa?” Laughtrip. No pretentions. Pero lab ko si Shane kahit pa ilang Smitha, Nimmy or Swapna pa ang mang-toxic sa aming dalawa, “Ay naku, mafi fayda! Bahala kayo sa buhay niyo.” Tapos tatawa lang kami at ookrayin din sila sa YM.

PS masarap siya kasama sa jamby (repositioning and turning of patients) lalo na kung si Baba Abay ang patient dahil sumasayaw pa kami sa room habang nagmumurahan kami nina Baba at tinatapunan niya kami ng tisyu.

Jenny and Me!

Eto si Jenny. Siya ang parang super friend ko dito. Masarap to kasama  sa kainan, shopping, chikahan, kapihan, sa lahat! Kung si Jen kasama hindi ka mabobore. Pero kakambal ni Jen ang chismis kaya nagpromise kami sa sarili namin na kung may estraha, dapat ICU lang di na kasama ibang level. Kasa naman katabi mo lang, kinabukasan sa ospital kahalikan mo na!LOL Mga taong walang magawa. Kung may mapagsasabihan man talaga ako ng problema si Jen at Shane lang yun. At kung kelangan mo ng kasamang kumain si Jen at Jet yun.

Jet is wishing u a merry christmas!

Si Jet naman ang pinakagusto ko pagdating sa work dahil organized siya. Maganda pa ang sulat palibhasa naka isang taon ng engineering. Tapos si Jet lagi ako tinuturuan. Si Jen at Shane tinuturuan ka rin pero si Jet talaga ang the best lalo na nung bago pa lang ako. Pero mainitin ang ulo ni Jet lalo na pag ilang beses ka ng nagpapa-adjust ng temperature sa aircon or mga bagay na walang kwenta na kaya mo namang gawin. Magaling magluto si Jet! The best siya siguro ang chef ng ICU. Kapag siya ang kasama ko sa duty lagi akong may pagkain, at sa gabi every 2hours kumakain yan lalo na pag hindi toxic. Bawal kami magsama dahil kakain lang kami ng kakain, kape ng kape.

PS Jet:Kat, tignan mo baba natin….mataba na! Ako:Ikaw kasi wag ka na magluto. Kinabukasan… Ako:Anu ulam natin?after kumain magtitimbang. Ganun lang ang buhay! Food is Love. Wapakels kung tumaba.

twins eh?!

My twin Kim. Nung bago pa lang ako mula sa Training and Education staff, sa BLS training at ng maglibot kami ng ospital isang comment lang nakuha ko, “Kamukha mo si Kim. Para kayong kambal.” May hawig nga kami ni Kim, ako yung brown version niya. Pareho kasi kami ng cut ng face, tapos ung hugis ng mata. Si Kim ang pinakasenior sa aming mga pinoy nurses. Halos sabay sabay lang din kasi ang dating namin, kasama si Jet, Jen at Shane. Si Kim dalawang taon na rin dito. Childish rin Kim, laging hawak ang phone, laging kausap ang boyfriend kahit pa may duty. Takot yan kay Dr.Emad Gharib, di ko lam kung bakit.

Dexter Doctor (surname niya doctor. pramis!)

At eto naman si Dex ang aming practical nurse na nakikipag-away kapag sabay sabay ang mga bantay na dumadalaw. Si Dex parang kuya ko rin yan pero gusto niya natsitsimis rin siya.haha Wag na natin pag-usapan kung anu yun, basta.

Ate Milet in white with I-forgot-the-name-dialysis-nurse

Tapos si Ate Milet practical nurse rin namin na sobrang kulit kung mag invite sa mga chuvaness nila.

Mga bakla!!! kamusta ang potaysium chloride ni colonel michael?haha

Eto si Amor at Nez yung mga housekeeper namin na sobrang kalog at sobrang bakla.

Kuya Arvin always sedated.lol

At ang favorite ko sa lahat si Kuya Arvin ang aming respiratory therapist na sobrang tamad, laging natutulog, nawawala kung may intubation, extubation at nebulization at higit sa lahat malapit ang loob sa Diyos. Sorry po Lord pero tamad talaga siya kahit maka-Diyos pa yan. Sana lang isinasabuhay rin niya ang mga pinagsasabi niya sa amin…di ba?

Anyway, yan yung mga staff na Pinoy. Yung mga Indians kasi di mahilig sa pictures kaya wala ako masyadong pic sa kanila. Di bale pag nagkaron ng pagkakataon picturan ko rin ang mga Jai Ho nurses.;)

Below is one of the coolest doctors in town. Dr.Emad Gharid!:)

Just Me. For Now.

Katt