What the heck are you doing in my dreams?

Nakakaloka ang panaginip ko kanina. Parang totoo lang.

*Panaginip starts here…*

Nasa isang party kami. Hindi ko  matanto kung anung klaseng party pero andun yung family ko, so feeling ko family reunion or may ikakasal lang. At ang venue ay sa Rayuray so most probably reunion kasi sobrang busy ang lahat sa pagluluto. Tapos biglang may umepal. Si Michael. Hanep sa dinami-dami ng eepal sa panaginip ko si Michael pa. Nagpa-pampam si Michael. May kung anung ginawa para ma-impress ang pamilya. (Asa ka tae, matapos ang kagaguhang ginawa mo sa kin.lolz) Parang kausap pa nga ang nanay ko. (Tawa to the maximum level.)

Pero eto ang mas winner, si Allen umentra.Winner talaga parang si Landon lang sa cafeteria scene ng A Walk to Remember (peyborit kasi namin un ni Allen.charot!) tapos biglang nawala na si Michael sa scene. Di ko lam kung san napunta. Anyway, si Allen sa una mabait, kamustahan and all tapos biglang nag-exit. Pagbalik niya may dala siyang palabok. (Palabok daw yun pero parang pansit bihon lang naman.) Tapos ang demanding gusto niya kainin ko yung palabok. Bawal ako tumingin sa ibang lalaki (Kasi parang hinahanap ko yata si Mike sa scene na ito.) at kailangan ko talaga ubusin ang palabok. Weird. Tapos meron pang kung anong sushi na binigay. (Potek! Parang ito yung scene sa Lost nung namimigay si Daniel Dae Kim ng raw shellfish/fish/whatever sa mga survivors) at kailangan ubusin ko rin yun. Weird ulit. May mga sinasabi pa siya, di ko na maalala pero tungkol sa kachuvahan sa amin dati. Ayoko na rin alalahanin.

The End.

0945H na.Kailangan ko pa tapusin yung powerpoint presentation ko tungkol sa ACS. Sa dinami-dami ba naman kasi ng magrereport eh ako pa ang napagdiskitahan ni bossing.

Pagkagising ko tumawa agad ako. Nakakamiss rin pala si Allen. Bukas ako agad ng Facebook at hinanap ang account ng gf niya. Di ko makita, malamang naka-block ako. Threatened much teh?lol Pero balita ko kasi ikakasal na si Allen or malamang kinasal na siya. Eh wala naman ako pakialam na dun dahil past has passed.char Pero nakakamiss rin talaga ang sweetness ni Allen, mas sweet pa ke Mike eh. Mas ok pa na yun ang naging jowa ko.lol Mas matino kausap, mas may sense ang pinagsasabi, si Michael kasi puro na lang pag nagkwento tungkol sa sarili niya.Narcissistic much kuya? Anu may trabaho ka na? Wala lang, naalala ko kasi bigla yung anak mo. Nung isang araw kasi nag-grocery kami. Sabay sabi ni Belle na yung baby milk is more like 1200 sa Pinas tapos halos 3cans ang naubos ng anak niya sa isang buwan. Gudlak naman sa sweldo mo. Magbagong buhay ka na!

Eto sila…parang kambal lang.Hehe Siyempre ninakaw ko lang yan, di ko maalala kung kaninong account. BTW, Hindi sila magkapatid but they are close friends. I’m weird.

Michael in blue, Allen in black, Whoever-that-is in Green

Masaya ang buhay nila, umiinom na lang tapos basketball. At that age you should be having a great career like ME.wahahaha

I’m awesome! Chos! (Prolly means ang yabang ko talaga. TALAGA.)

Just Me.For Now.

Katt