Masarap maging Pinoy

It’s definitely a Pinoy Pride Day today!

1

Mabrouk to the best boxer ever, (I’d say the legend in boxing) Manny “Pacman” Pacquiao! Mexican assassin talaga!lol The only boxer with 8 titles in 8 different weight divisions. San ka pa?

PAC'd up!

Sana ganito rin ang gagawin niya sa mga corrupt ng lipunan! Tignan lang natin kung may magtangka pang nakawin ang kaban ng bayan. Ahem ahem, namiss ko lang din mamulitika.

Thanks to him for the newspaper clip.;) Congressman, nambugbog ng Mexicano.wehehe

 

2

We have a new assistant director of nursing sa SMC . Our former nurse manager, Sir Russel Pizarro. Pinoy Pride ulit! FYI, halos lahat ng mga modir sa SMC ay Filipino!

And last but not the least….sa lahat ng OFW na mas piniling magtrabaho dito sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas, you should be proud at saludo ako sa inyo.

Masama loob ko kay Mareng Winnie.lol See the story here. In my opinion hindi naman kami traydor sa  bayan. Andito rin kami para sa pamilya, wala kami rito para magbakasyon, kumain at magpapetiks-petiks lang. Ang trabaho ng nars diyan pareho lang din dito. Sa totoo lang mas mahirap pa nga dito. Ikaw kaya kumain ng dalawang taon na walang baboy, amuyin ang hangin na amoy anghit, magkipag-deal sa weather na uber hot at uber cold, magbuhat ng pasyente 3x na malaki sa yo at magkaroon ng homesick moments at wala kang magawa dahil hindi ka makauwi dahil wala namang LRT or bus papuntang Pilipinas. Ang pinagkaiba lang, yung sweldo namin dito ilang buwan naming kikitain sa Pilipinas. Bakit namin hahayaang magutom ang pamilya namin kung kaya naman naming bigyan sila ng mas disenteng buhay? Hindi kami pwedeng magtiis ng kakarampot na sweldo at sangkatutak na tax. Hindi kami maghihintay ng ilang taon bago magkaroon ng magandang sweldo. Hindi kami traydor ng bayan, naglaan rin ako ng kaunting panahon para sa mga Pinoy, until now I still help fellow nurses. I receive a lot of emails inquiring about this and that, I’m not selfish, I try to reply to every query they ask, that is how I help them. What you said, “If you are going to help this country, you’ve got to be in the country.” is a big LIE. Maraming paraan para matulungan mo ang bansa at ang mga Pinoy. I don’t have to be in the country for me to help others, eh andiyan ka nga sa Pilipinas binulsa mo naman lahat ng pera ng mga Pilipino…TSK…

Am I right or Am I am right?

Just Me. For Now.

Katt

Advertisements