The Materialistic Christmas Wishlist

Dahil minsan kailangan mong isipin na hindi lang naman WORLD PEACE themed ang Christmas wishlist kasi kadalasan hindi naman nagkakatotoo yun or kumbaga sa goals, yun ang tinatawag na long term. At dahil unang araw ng Disyembre, gagawa na ako ng wishlist. Ang wishlist ko ay good for the whole year of 2011, kaya naman kung hindi ko man makuha ang mga ito sa Pasko, keri lang may 12 months pa.hehe Pero siyempre yung mga kailangan ngayong tag-lamig dapat makuha na.

1. Laptop. Hindi naman sa kailangan ko ng bagong laptop ngayon, pero dahil ang battery ko sobrang drained na talaga at ang keypad ko ay nagloloko na rin, at halos puno na ang memory, for the next 3 or 6 months baka bumigay na ang aking laptop.

2. Cellphone. Kailangan ko talaga ng bagong cellphone, dahil sa dami ng sim card ko. Nakakahiya na kasi sa mga senior nurses pag tinatawagan akong on call at hindi ako makontak. Although bumili na ako ng bagong sim card, kailangan ng cellphone para magamit kasi hindi rin naman pwedeng yung roaming ko ang palitan ko. Ang gulo, basta need ng bagong phone.

3. Harry Potter books. Kahit Book 4 lang yata ang kulang ko sa aking HP collection, gusto ko pa rin bilhin lahat ng books yung nasa baul parang nasa previous post ko.hehe Kasi nga, I will start my library. Charot! At dapat hindi ebook library. Sakit sa mata ang ebook eh, pero pagtiyagaan ko yan kung maganda ang libro.

4. Any other book by a good writer meaning not-Stephanie-Meyer. Dahil namamahalan ako sa mga libro dito, pwede regaluhan na lang ako?hehe Masaya na ako sa Lord of the Rings trilogy, The Hobbit, The Girl who kicked the hornet’s nest, The perks of being a wallflower or Looking for Alaska. Pwede rin yung 50th anniversary edition ng To Kill a Mocking Bird. Or anything na nasa list ng HuffPost.

5. Comforter. Ako kasi yung taong hindi fan ng malamig. Hindi ako nakakatulog na walang kumot, at ngayon dahil winter natutulog ako na may medyas at sweater kasi kahit walang aircon or mahina ang aircon feeling ko ang ginaw pa rin. Kailangan ko ng comforter dahil isa lang ang comforter ko.hehe

6. Dress/Beanie/Mittens. A pretty dress for the Christmas party (if there is one), a cute beanie that fits my head and hair and mittens because its getting colder everyday.

7. Starbucks Christmas Edition Tumbler. I’m not sure if they have the holiday edition here in Saudi, but anything that’s red or green or silver will do. Nurses need coffee, y’know.

8. Cocoa Butter Body Cream/Coffee Bean Scrub. We need to scrub and moisturize, its the cold season.

So that’s it for now. I can’t think anymore.  I’ll add pag nakaisip pa ako.

Just Me. For Now.

Katt