The day I felt like I was in Dubai

It was December 3rd when we went to Red Sand. It is literally a red sand (hindi lang masyadong red sa picture) and a 45 minute ride from Olaya (where our flat is located).  Isa siyang malaking disyerto kung saan pwede kang mag-motor (yung ginawa ni John Lloyd at Aga sa movie na Dubai).

e

Red Sand

Ang usapan eh alas-siyete kami aalis pero siyempre Filipino time, ayun alas-nuebe na paalis pa lang kami. Sana natulog muna ako. Sobrang pagod pa rin kasi ako nun kahit galing ako ng off dahil may hang over ako sa duty ko nung Haj. Iyon ang apat na araw na hindi ko makakalimutan sa buong career life ko aside from the Ondoy days.

Hay… Anyway so sumakay kami kay Kuya Angel at hindi namin alam na yun pala ang asawa ni Mamai, natawa na lang kami nung sinabi ni Mamai sa Hidden Valley.

Kasama ko si Enza at Jen sa car. Unang pinuntahan namin ung sa likod ng Red Sand kung saan nakakulong yung mga camels na iba’t ibang kulay. First time ko makakita ng camel na puti.

Ang cheeks ko! Parang siopao na!

After that, kumain kami ng breakfast, arroz caldo na luto ni Bossing. Pagkatapos ng konting camwhoring nagtungo na kami sa kabilang side para mag-motor.

The Family

Hindi ko alam kung anu talaga ang term sa wheels na yun so for the sake of blogging I will call it motor.:))

Ang mga motor.bow

Pag peak season umaabot daw ng SAR 50 ang rent for one hour, pero dahil hindi na peak season ang SAR 25 ay natawaran ko pa ng SAR 20. Yey! Madali lang i-drive, press mo lang yung “on” at alam mo naman na kung san ang break, pero siyempre given the fact na marunong lang ako mag-drive kung ako lang sa nasa kalsada (Thanks to my lil bro for the driving lessons, how I miss you!) pinauna ko muna lahat bago ko pinaandar ng paspasan.

Pati nung papunta kami sa pinakamataas, nauna pa silang lahat. Natatawa ako sa sarili ko kasi for at least an hour, I conquered  fears (heights and driving. ibig sabihin pwede na ako sa bungee jumping kahit Ariel’s point lang sa Bora.;) Wag kakalimutan kapag nandun ka sa Red Sand wag ang lumapit sa mga sasakyan yung mga 4×4 na kala mo eh pag-aari ang disyerto at walang pakialam sa mga nasa likuran nila na naliligo na ng buhangin. Ganun kasi ang nangyari kay Mamai.:(

Pagkatapos ng halos isang orasa sa Red Sand, nagtungo naman kami sa Hidden Valley. Literal na tago ang Hidden Valley. Napapalibutan ka ng mga gabundok na bato parang nasa mining area ka lang or kapag mas maganda ang imagination mo gawin nating Grand Canyon.

Kala ko nung una parang park ang pupuntahan namin di ba ganun yung Hidden Valley sa Pilipinas? May waterfalls pa nga. Pero siyempre nasa disyerto pala ako kaya walang waterfalls. Anyway, wala ring comfort room doon, buti na lang hindi ako tinawag ng kalikasan. Kumain kami sa tagpi-tagping karton sa ilalim ng mga dessert plants na hindi ko alam ang tawag pero for sure hindi cactus yun. Pwede rin umakyat sa mga bato pero siyempre hindi ko na ginawa yun kasi una, takot ako. Pangalawa pagod na ako.

So ayun ang aming adventure nung December 3. Nakakapagod dahil mainit ang sikat ng araw pero sobrang lamig ng hangin. Masaya kasi kasama ko ang malalapit na tao sa buhay ko. At super enjoy dahil natuto akong mag-drive at masarap ang pagkain sa dala nina Mamai at Ate Lau.:) Sana maulit muli, next year sa Al-Khobar naman. Inshalla! Ubos ang pera sa lakwatsa ah.

Just Me. For Now.

Katt

PS:Mababaog ang magnakaw ng picture!