The Heartbreak Weekend:Ren’s Turn

Sa tingin ko lahat tayo nakaranas na ng heartbreak. Yung tipong pinagkaisahan ka ng langit at lupa at sobrang biglaan, unexpected at pwedeng-magmura-ng-malutong-na-malutong moment! Ang malala yung taong hindi mo inaasahan yun pa talaga ang nagdulot ng matinding AAWWWTTTSSS! At super crayola (matinding iyak) ka to the maximum level! At magmemessage ka pa sa akin sa araw ng Pasko ng “Ate, tawag ka importante.” TO which I replied, “Busy ang network bukas na lang.” Sorry talaga teh, Pasko ko maraming nagtatawagan.

Anyway si Ren yun. Hindi ako. Malamang nung nareceive ko ang message na yun nagbabasag ng baso si Ren sa may Goro’s (bilyaran+bar) at umiinom ng di mabilang-bilang na bote ng Red Horse habang si Joanne nakikinig ng dramarama niya hawak ang basong may lamang pineapple juice! Corny mo Joanne! Tagay na! Habang si Aileen ay may kausap sa cell phone at paulit-ulit nagtatanong kung anu ang nangyari at si Lala naman ay walang ginawa kundi okrayin ang (#*&%&%@) kabit na yan! Siyempre si Jessa malamang nasa bahay yun kasi hindi pinayagan dahil delikado at gabi na. Tama ba ang aking imagination? Kung hindi tama malamang malapit-lapit yun sa nangyari.hehe

Siguro kung meron man akong relasyong iniidolo yun ang relasyon nina Vhon at Ren. Eight years (tinalo pa si Popoy at Basha) akalain mong mula high school until maka-graduate sila, sila pa rin. Kumbaga proven and tested. Siguro lahat na ng pagsubok nadaan nila pero in the end pinalipas nilang lahat yun, maliban dito. Si lalaki ay nagkaroon ng ibang babae. Tingin ko ang ipagpalit ka sa ibang tao ang pinakamasakit ng dahilan ng break up. Kahit pa sabihin niyang hindi sinasadya (*$&&%* hindi mo rin ba sinasadya yung libog mo?), pinag-tripan lang niya yung babae (kung ako rin kaya pagtripan kita) or naboring lang siya minsan at naisipan niyang makipag-sex sa iba, for me hindi pa rin valid ang reason ang “Natatakot akong masaktan ka kaya hindi ko sinabi sa ‘yo.” Tae ka, eh sa tingin mo ngayon hindi ako nasasaktan? (Wait parang yung sa love story ko to ah.) So anyway, ganun nga ang nangyari. Pero ang masaklap pa, inamin niya sa ‘yo sa may babae siya sa bisperas ng Pasko!! Anu ba naman ito Lord? Pagsubok pa ba ito?HEhe Oh well ang sagot ni Lord diyan eh, “Yes anak, mahal kasi kita eh!wooot group hug!”

Hindi ko talaga sukat akalain na maghihiwalay sila, sa Pasko pa. Parang ang tagal mag-sink in. Siguro kasi sobrang close ko kay Vhon to the point na mas kinakampihan ko siya minsan lalo na pag nagmamaldita si Ren. Si Vhon lang kasi ang nakakatiis sa ugali ni Ren, lalo na ang pagiging late niya.hehehe Nung nagtext si Ren nung gabing yun, alam ko ng si Vhon ang dahilan pero until now teh di pa rin mag-sink in, affected pa rin ako at galit pa rin ako sa mga babaeng pumapatol sa mga lalaking alam naman nilang may girlfriend, mga bwiset kayong lahat, sakit kayo sa aking fringes! Siguro mas tumatak lang din sa isip ko na hindi si Vhon ang tipo ng lalaking gagawa nun, parang si Ren pa nga ang mas magloloko. Pero hindi eh, maling akala pala!

The Heartbreak Weekend. Hindi ko rin makalimutan ang linggong iyon noon, sabay-sabay sa barakada ang mga nagkahiwalay, iniwan, kumain ng blueberry cheesecake, uminom ng Red Horse at ang reunion sa kaibigan naming medyo nawala sa scene, si Katrina Torres. Naalala ko lang silang lahat, namimiss ko silang lahat at sa mga panahong ito gusto ko silang yakapin at batukan at sabihing, “Tanga ka kung babalikan mo yan.” (which is exactly what he told me when the ex and I broke up.) First real heartbreak siguro ni Ren, yung heartbreak na forreal talaga, eto na pala yun. I tell you ate, it may not hurt so bad right now pero there will be days na maiisip mo lahat-lahat, yung tipong bubuksan mo lang ang ref eh maalala mo ang pagmumukha ng babaeng yan, yung tipong makikinig ka lang ng radyo eh magmumura ka pa dahil love song niyo ang pinatugtog ng DJ, at uulit-ulitin mong panoorin ang A Love Story at One More Chance at aasa kang sana hindi na lang nangyari ang lahat at sana ok pa kayo. Mararanasan mo rin yung mga gabing bigla ka na lang magigising tapos bigla ka na lang din hahagulgol (pwede mo ako itext pag nangyari yun). Mararanasan mo rin yung mga araw na feeling mo siya ang nakita pero kahawig lang pala. Magkakaroon rin ng time na magkukrus ulit ang landas niyo dahil maliit lang ang mundo, pero gusto ko pag nangyari yun meron kang magandang haircut at suot mo ang peyborit mong mini skirt at iparamdam mo sa kanya na “Maglaway ka ngayon. Eto yung pinalit mo sa babaeng yan!” Ang taray teh! Naiimagine na kita sa moment na yun!haha At kung kaya mo teh, kung kaya mo lang, pwede sampalin mo siya sa harap ng maraming tao. Chos! Di ko kasi nagawa yun dun sa taenang kabarkada niya. Try to read this and this it’ll help.

Lastly, remember that WE are always gonna be here for you. And we can kick a jerk’s ass, we can drink two cases of beer, we can eat as many blueberry cheesecakes, pizzas and chocolates as you want and we can curse like hell and to hell with them if they hurt you again!:)

Today its your turn to cry. Cry. A bucketful if you have to, but then after those eyes go dry remember that there is a life out there, take time to be single, treat yourself  and be happy. The ocean is wide, moreover there are a million species of fish in the sea.;-)

Hugging you right now. Katt (and prolly the rest of the barkada including Kate.)