What Kind of Asian Are You?

Hindi ka ba nagtataka kung bakit every time na mabanggit ang race na ASIAN laging mga mukhang Chinese ang inilalarawan. Tulad na lang sa TV series na Glee, “The other Asian” ang description kay Mike Chang.

Mike Chang and Tina Cohen-Chang

May nabasa rin akong article dati tungkol sa TV series na Heroes na kaya maraming nanonood sa Asia dahil marami sa cast ang Asian. At may isang scene rin sa Meteor Garden 2 (naman! naalala ko pa!) na inilarawan rin si Dao Ming Si as “The Asian who met an accident.” Pati sa TV series na lost Asian rin ang tawag sa mag-asawang Korean (na hindi ko alam kung ano ang pangalan). Pero pinakasikat na siguro is Jackie Chan, Zhang Ziyi, Gong Li (Puro Chinese!lol) add natin si Manny Pacquiao para maiba naman!

Para sa kaalaman ng lahat hindi lang po Chinese ang Asian. Marahil sila ang may pinakamalaking populasyon sa Asia at sa mundo pero hindi nangangahulugan na lahat ng Asian ay singkit tulad ng nais iparating ng mga nasa Kanluran. Maraming Asian sa mundo. Nandiyan ang Malays, Indonesian, Indians, Vietnamese, Filipino, Japanese, Koreans,pati nga mga nasa Saudi at Iraq considered pa rin na Asian pero more of the Arab features nga lang at iba pa. Parang nakakadegrade kasi sa ibang lahi kung lagi na lang kapag sasabihan ang salitang Asian, Chinese ang unang papasok sa isip ng mga tao. And even Asians have different colors, may yellow, brown, dark brown. Our race and ethnicity is so complicated yet beautiful compared to others.

In other news…

In fairness to Ate Michelle mukha siyang Chinese talaga. Sana makita mo siya ng personal.

 

Hindi ko alam kung mukha ba talaga kaming Chinese or sadyang bulag lang ang mga taong nagtatanong ng “Are you Chinese?” kapag pumupunta kami ng ibang bansa.Nung nagpunta si Con sa Tunisia tinanong rin siya kung Chinese ba siya.

Tapos ngayon nakita ko rin sa status ni Ate Michelle at marami ring nagtatanong kung Chinese  or Japanese ba siya. Infairness, she answered “I’m Asian. I’m Filipino.”

I’m the Asian who was born and raised in the Philippines. How about you? What kind of Asian are you?

Proof that I'm not Chinese, but I'm Asian. I'm a Filipino.

She has almond eyes. She looks Chinese (and has a Chinese name, Ching) but she's a Filipino and she's an Asian.

To the Tunisians who asked if she's Chinese. She's Pinay!:)

Finally, here’s a list of my favorite Asians.

1. Jackie Chan

2. Ferdinand Marcos

3. Hiro Nakamura of Heroes

4. Haruki Murakami

5. Dalai Lama

6. Lea Salonga

 

If you can sing like her, be proud your an Asian.:-)

Just Me. For Now.

Katt