Wanted:Boyfriend

Sa dinami-dami ng itatanong ng isang doktor araw-araw ang love life mo pa ang napiling topic of the day, of every day and of every duty together. Pwede namang magtanong ng 1. How’s the patient in CCU1? or 2. Is the lab report for CCU3 ready? Pero hindi eh. Nakakairita. Ang kulit parang ascaris na lumalabas na pwet, gumamit ka na ng forcep ayaw pa ring tumigil sa paggalaw. Gusto pa rin bumalik sa loob ng anus. Kaasar.
Sa totoo lang hindi ko naman feel ang magkaroon ng lovelife ngayon, hindi dahil sa hindi pa ako ready kundi dahil sa gusto ko lang muna i-enjoy ang pagiging single kahit dalawang taon lang. Mahirap kasi magmaintain ng lalaki. (wahaha, sugar mommy?lolz) Kasi pag nakaroon na ulit ako ng bf panigurado magbabago na naman ang ihip ng hangin, iba pa rin talaga pag single ka lalo na ngayon eh masarap bumili ng gadgets, wala akong tatawagan sa phone araw-araw, babad sa internet pero wala sa chat, makakanood ako ng TV show maliban sa basketball, atbp. Sa totoo lang HINDI KO KAILANGAN NG BOYFRIEND NGAYON DOC! Kung mag-aapply ka freeze hiring, no vacancy at kelangan mabango! Maligo ka muna uy! Kakahiya ka nasa medical field ka eh, mismong hygiene mo hindi mo maalagaan. Kung ako pasyente papakamatay na lang ako, kesa maamoy ko ulit kili-kili mo. (Sorry po, imbyerna ka lang kasi.) Pero hindi ko rin naman sinasabi na gusto mong mag-apply, ang gusto ko lang sabihin WAG MO PAKIALAMAN LOVELIFE DAHIL HINDI RIN NAMAN KITA PINAPAKIALAMAN.
Anyway dahil nga nag-promise ako sa doktor na ipapakita ko ang pics ni “BF” bukas nagpost ako sa FB. EH di tiningnan ko ang account nung crush kong dancer, kaso walang matinong pic, pang studio ang kagwapuhan baka hindi maniwala.haha Tamang-tama nag-comment yung friend ko, “Cge. Dali!” pagkatapos kong sabihin na. “KAw na lang dami natin pics!” SOLB! instant boyfriend!

See? Theses people are so into my lovelife?

At bentang-benta ang status change, daming comment, daming like. Artista? Parang inaabangan nyo talaga love life ko ah. Mga tae kayo!hahaha

The bufra!

O di ba? Hindi naman halatang barkada ko noh? Thank you Alex for saving my life.:) Oh yes! Ana fih habibi.:)

Just Me. For Now.
Katt