And then there was rain

And Katt was pleased.:D

credits go to the owner. i dnt knw hu u are but thanks.:)

This week ilang araw ng umuulan. Kahapon lang siguro wala. Natuwa lang ako, its my first ever rainfall dito sa Saudi. Favorite ko kasi ang ulan. Pag bumaha na, yun na yung ayaw ko. Bakit ba paborito ko ang ulan? Marami kasing pwedeng gawin pag umuulan na hindi mo magawa pag sobrang init sa labas.

1. Masarap mag movie marathon dahil natural ang lamig kwarto. Libre ang aircon. Manood ng movies tulad ng Easy A or kahit anong episode ng How I met your mother. Or mas maganda bagong episode ng Supernatural.

Like a Virgin...ang taytel ng bagong episode.

2. Masarap kumain ng arroz caldo, champorado or sopas, feel na feel ang weather. Pwede rin ang kape. Pag andito ka sa Saudi ngayon, feel na feel mo ang winter clothes habang hinihigop ang mainit-init na kape.

3. Para sa akin, ang ulan ay blessing. Naalala ko mama ko dati nung mga bata pa kami, pag June na at walang pang malakas na ulan, nagdadasal yun. Kulang na lang sumayaw ng Dayang-dayang. Maraming nangangailangan ng ulan tulad na lang ng libo-libong magsasaka na nagtatanim ng palay at mais para lang tayo makakain.

No rain, no rice. No rice, no meal.:D

4. Masarap ang patak ng ula sa ulo, sa katawan parang libreng massage. Naranasan mo na bang mag-motor sa ulan? Ang sarap! Promise! Parang feel na feel mo ang isang scene sa movie kasama si…Tom Cruise?haha Pero pagkatapos nun maglalaba ng bonggang-bongga dahil putik naman ang nasa likod mo. Note:Wag magsuot ng white na damit. Naranasan mo ng maglakad sa ulan? Kasama ang syota or mga frends mo? Yung tipong may payong naman bat di natin gamitin? Kakamiss ang high school.:( At yung pag walang ulan eh, pupunta ka ng shower, wala lang kunwari may ulan.haha Imagine mong sikat ng araw lahat yan.Tsk.

5. Masarap sumayaw sa ulan! Literally dancing in the rain. Nung unang araw na umulan dito sa Saudi, day duty ako. At gusto ko talagang sumayaw nun sa daan, kaso weird pagtitinginan ako ng mga Sudani. Baka ma-inlab sila sa kin.chos!

6. Masarap mag-daydream pag umuulan. Aminin! Pumunta sa kwarto/porch or anywhere else na nakikita mo sa bintana ang patak ng ulan. Go! Daydream ka na! Is it just me or comforting lang talaga ang dating ng ulan. Day dream while listening to this or this.

7. Masarap mag-carwash sa ulan! Imagine mo mag-carwash pag mainit. Gosh! Magiging nognog ako lalo. Anyway ganyan kasi ang ginagawa namin ni mama, pag malakas ulan! Carwash tayo!haha

ikaw kaya magkuskos ng tires nyan pag tag-araw. hell no! sa carwash shop na lang ni kuya dwight

8.  Masarap din awayin ang syota sa ulan!haha Kahit umiiyak ka na eh, di pa rin halata! ” Wag ka na umiyak, pinatitinginan na tayo!” Hindi ako umiiyak! Umuulan kuya! Ulan ayan hindi luha!

9. Ang hindi ko na lang nagagawa ay…kiss in the rain! Ang layo kasi ng Italy.haha

In other news…

1. Usap kami ni Marc kagabi. Waley namiss lang namin ang isa’t-isa. Kung pwede lang eh magkayapan kami ngayon, wag na inuman! Haist! College friends, one of the best. Ang kalokohan, never gets old. Basta ang motto ko for him, “Di bale ng pinagpalit, mas gwapo ka pa rin naman!”hahaha Peace meyn! Labyu panget!

2. Maganda talaga ang music choices ni Gio Gahol. Ah basta. Listen to this version of Keane’s Somewhere Only We Know syempre hindi niya boses yan, sa friend niya siguro. At sobrang emo pa rin ang mga status niya. If he’s a writer, I’d buy all his books.hehe Sino ba si Gio Gahol?

hindi ako stalker! Fan ako!haha

3. Ang gulo sa Egypt. Tinalo ang record ni Marcos ah. Sana maging maayos din sa bansa nila, kasi gusto ko pang pumunta ng Pyramids of Giza, papalibre pa kami kay Dr.Emad.:D Let there be peace pati sa Tunisia! Baraneik na mga presidente yan!

4. Gusto ko ng mag-swimming! Namimiss ko na magswimming!!

5. Mahaba na pala hair ko. Gusto ko na pagupit.

gusto ko lang ma mukha ako sa post na ito.:D

6. Gusto ko rin pala ng earrings na ganito from Etsy! I forgot the exact store.:(

Just Me. For Now.

Katt