Boredom, House of Stark and Pallukas

Dahil halos dalawang linggo akong walang internet connection, sobrang bored ako sa bahay after work. Memorized ko na ang palabas sa TFC pag gabi, Showtime-TV Patrol-100 days to heaven-Guns and Roses-Minsan lang kita iibigin. Para akong computer engineer na hindi mapakali at maya’t-maya eh tingin na naman ako kung may connection na. Nagawa ko na lahat ng alam kong magic trick para maka-connect sa internet, tinawag ko na lahat ng mga santo, umiyak na ako, malapit na ako tumuwad at mag-sallah, natawag ko na si Dexter para tignan ang laptop pero WALA! WALA! Si Glen Postrado lang pala ang katapat at ang sinabi lang, “Palitan mo ng cat 6 ang cable mo.” Anu yun kuya? Basta mas maganda raw ang quality nun! Sabi ko pahingi na lang pero wala daw stock sa IT ngayon. Buti na lang kamo at meron si Madame Ynaz, binigyan nya ako. So thanks so much to Madame Ynaz, Glen and of course Rhea–>na walang tigil din sa kakalikot ng laptop at modem namin. So after almost two weeks meron na rin ako internet connection, pero sadness pa rin dahil si Jezper waley pa. Sira talaga yung wireless chuvaness ng STC. I don’t know why, pero company problem daw according to boys.

1. Anyway, nagtampo pa talaga ako kay Shane dahil sa internet na ito. Kasi naman, unang araw pa lang na wala sinabi ko na tignan niya pero sobrang busy sa hindi mo malaman kung ano (alam ko kung ano pero syempre sikreto na yun.hehe) at wala talagang time para magpunta sa flat. So si Dexter ang pumunta na sinamahan ni Baba Chacha na feeling ko eh hanggang ngayon nakadikit pa rin ang amoy sa dingding ng kwarto namin. LOLJK Peace Baba! Mga ilang araw ding nangulit si Kuya na pupunta pero galit na talaga ako hindi ko talaga sinasagot ang mga tawag dahil sabi nga ni Smitha, “She’s busy with the patient.”Wahahahaha ay naku, ang mga promise na ganyan kapatid nakakainis pag hindi natutupad kasi alam mong kaw ang sandigan ko pagdating sa computer stuff. Pero medyo konsenysa na rin ako kaya papansinin ko na pag nagkita kami.haha

2. Sa wakas nagkasama na rin kami ni Jet sa duty after 48 years!haha At nagluto siya ng stir fried beef and veggies, ang sarap! Nalimutan ko piktyuran anu ba yan!

3. Si Jenny ay magbabakasyon! or exit? Hindi ko pa rin matanto pero medyo alanganin talaga na babalik, di ko lang alam pero may iba siyang vibration.char meganun?

4. Si Sir Russel busy pa rin sa Vmobile. Wala na ako masabi.

5. Bumalik na rin si Ate Luna from vacation! Weee! Inggit na talaga ako, gusto ko na rin magbakasyon or umuwi. Ang gulo ko talaga, minsan gusto ko  mag-exit minsan gusto ko mag-recontract. Hay….Ang hirap mag-decide. Sabi ko ng akay Jen kagabi, “Minsan kasi nakakapagod na maging nars.” Ewan ko ba.

6. Dumating na sa wakas ang aking palluka plus two books from Auntie Caring. Will read the books after finishing Haruki Murakami’s Hard Boiled Wonderland and the End of the World. Oh…naalala ko binabasa ko rin pala ang ebook ng Dear John by Nicholas Sparks, naiiyak pa rin ako every time. (Email me if you want a copy of the ebook.)

The Package

7. May bago na akong addiction after ng no-internet-connection for one week. Game of Thrones. Its a medievel themed TV series from HBO based on the book A Song of Ice and Fire by George Martin. Kakainis kinikilig pa rin ako sa hotness ng Stark brothers (Robb Stark and Jon Snow). Pero maganda ang story in fairness, cinematography and sound effects even the costumes are too awesome for words. Its like a mix of Lord of the Rings, Tudors and a little bit of Harry Potter.

PS the ladies are awesome too. Will update you more on this if I finish the Season One.

If these were your brothers...Incest is not a sin.loljk

The new major kilig factor Lord Jon Snow with Bran Stark

8. So my goal this payday is to buy the four books though I already have the e-books. Thanks to Tumblr family for that. (You can email me if you want the ebooks too.:))  Iba pa rin talaga kapag hard copy, mas feel na feel mong nasa Winterfell ka.

9. Tapos syempre naguguluhan pa rin ako sa kung saan maganda mag-invest.

10.  At syempre kung ano ang gagawin ko after ng contract. Hay…I am in a crossroad right now. Badly need an Impala to drive.

Just Me. For Now.

Katt